Mga espesyal na kuwento, handog ng 'Wagas' sa kanilang unang anibersaryo
Sa unang taong anibersaryo ng "Wagas," hatid nito ay mga espesyal na kwento ng pag-ibig buong buwan ng Pebrero.
February 1: Boots Anson-Roa and Atty. King Rodrigo Love Story
Cast: Jaclyn Jose, Allan Paule, with the special participation of Ms. Anita Linda
Isang palatandaan mula sa Diyos ang hiniling ni Boots para malaman kung panahon na para siya ay muling umibig—mga puting rosas. At ang lalaking tila itinadhanang makapagbigay nito sa kanya ay ang balo na si Atty. King Rodrigo, na kakilala na ni Boots mula noong sila’y mga bata pa. Sa edad na 69 at 70, hindi inakala ni Boots at King na mararanasan pa nilang magkaron ng kasintahan.
At ngayon, ang lahat ay nagaabang na sa kanilang kasal sa darating sa Hunyo.
February 8: Monica and Filemon de Ramos Love Story
Cast: Rhian Ramos and Marc Abaya
Sa gitna ng giyera nagsimula ang kuwento ng pag-ibig ng mga tubong Lumban, Laguna na sina Monica, isang mambuburda, at Filemon, isang magsasaka.
Umusbong ang kanilang pag-ibig sa mga panahong sinasakop pa ng mga hapon ang ating kalupaan.
Habang unti-unting nagkaron ng kapayapaan ay tumindi naman nang tumindi ang pagsuyo ni Filemon kay Monica.
Katunayan, ang nakuhang pera ni Filemon bilang “war damage” ay ang siyang ginamit niya para tulungan ang pamilya ni Monica na makabangon mula sa bangungot ng giyera.
Ngayon, 60 taon na silang nagsasama bilang mag-asawa sa hirap man o ginhawa.
February 15: Leoncio and Belen Santos Love Story
Cast: Rocco Nacino and Bella Padilla
Nakilala si Leoncio Santos sa bansag na “Octoman” dahil sa mala-pugitang itsura ng kanyang katawan. Dahil sa kanyang pagiging kakaiba, maraming istorya na ang nagawa tungkol sa kanya na lumabas sa mga babasahin at programa sa TV. Hanggang abroad ay narinig na rin ang kanyang kwento. Subalit kakaunti lamang ang nakakaalam sa makulay ang lovelife ni Leoncio. At sa "Wagas" niya lamang ito buong-buong ilalahad.
February 22: Sherry and Emman Villanueva Love Story
Cast: Kevin Santos, Bettina Carlos, Rodjun Cruz (cast members of the hit teleserye “My Husband’s Lover”)
Si Sherry ay isang happy-go-lucky call center agent na boss ang striktong manager na si Emman.
May lihim na pagtingin daw si Sherry kay Emman noon at dahil alam niyang iba ang sexual preference nito, ay gumawa na lamang siya ng mga paraan para sila ay maging malapit na magkaibigan.
Si Sherry pa nga ang naging tulay sa huiing relasyon ni Emman sa kapwa lalaki. Subalit isang pangyayari sa buhay ng boyfriend ni Emman ang magiging daan para si Sherry at Emman ang siyang magkakatuluyan. Anong klaseng pag-ibig ba ang kayang magpabago sa pagkatao ng isang tao?
Para sa karagdagang updates, tungkol sa unang anibersaryo ng "Wagas," bisitahin ang kanilang Facebook at Twitter account.