ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Choi and Charlene Elegado: The Cosplayers' love story


Pinagtagpo ng tadhana sina Choi Elegado at Charlene Datan sa kanilang pagkahilig sa Cosplay.
 
Nang una silang magkita sa isang cosplay event, agad na nahulog ang kanilang loob sa isa’t isa kahit tila nakakubli sa magarbo’t makulay na costume ang kanilang tunay na personalidad.
 
Mas lumalim ang kanilang nararamdaman nang nagkasama silang dalawa sa Sydney, Australia, kung saan sinubok ng panahon ang kanilang pagtitinginan, at kung saan mas nakilala at natanggap nila ang tunay na pagkatao ng isa’t isa, may costume man o wala!
 
Tampok sina Kris Bernal at Mike Tan, hatid ng Wagas ang isang kakaibang kuwento ng pag-ibig ngayong Sabado, March 8, 7pm sa GMA News TV!