ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Jamich Forever: Jam Sebastian and Mich Liggayu love story sa 'Wagas'



Mula sa Youtube hanggang Facebook, Twitter at Instagram, milyun-milyong viewers at followers ang sumusubaybay sa tambalang Jam at Mich.
 
Ang relasyon nilang nagsimula sa internet ay sa internet din nakitang unti-unting tumamis at lumalim.
 
Subalit hindi lang pala mga video at picture ng masasaya at nakakikilig na sandali sa kanilang buhay ang maibabahagi nina Jam at Mich sa kanilang fans.  
 
May sakit na cancer si Jam at tila ito ang nag-udyok kay Jam na tuluyan nang hingin ang puso ni Mich para tahakin ang sunod na kabanata sa kanilang pag-iibigan.
 

Abangan ang kwento sa panibagong yugto sa buhay ng real life couple at internet sensation na Jamich sa Wagas. Tampok dito sina Ruru Madrid bilang Jam at Lauren Young bilang Mich.  
 
Panoorin ang kuwentong ito ngayong Sabado, May 24, 2014, 7 pm sa GMA News TV.