ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Howie Severino and Ipat Luna love story, tampok sa 'Wagas'



Laking abroad ang batikang journalist na si Howie Severino. Ang pagdedesisyon niya noon na manatili sa Pilipinas upang maging investigative journalist ang naging daan para makilala niya si Ipat Luna, isang abogadang nagtatanggol sa karapatan ng mga magsasaka. At tulad ni Howie, matapang at maprinsipyo ang Batangueñang si Ipat.
 
Ang paghingi daw ng tulong ni Howie kay Ipat para sa ginagawang research ang dahilan ng una nilang pagkikita. At sa unang beses pa lang, agad na daw napansin ni Howie ang katalinuhan, kabaitan at ka-seksihan ng dalaga na ang suot daw noon ay mini skirt.
 
Kaya nang minsang manggaling sa kabundukan si Howie matapos ang isang field research, pinasalubungan niya si Ipat ng maraming gulay at bulaklak senyales na sinisimulan na niya ang panliligaw. At dito na nga nagsimula ang kanilang espesyal na samahan.


Kay Ipat na isang 'modern probinsyana' daw natutunan ni Howie ang mag-email. Gumaling din managalog ang Ingleserong si Howie dahil sa probinsyana.
 
Subalit hindi lang pala kaalaman sa computer o pagsasalita ng Tagalog ang maituturo ni Ipat kay Howie. Siya rin ang naging susi para matutunan ni Howie ang magmahal nang wagas.

Narito ang isa na namang nakaka-inspire na kuwento ng pag-ibig, tampok ang kuwento ng respetadong journalist at dokumentaristang si Howie Severino at maybahay niyang si Ipat Luna.

 
 
Bida sina Mikael Daez bilang si Howie at si Valerie Concepcion bilang Ipat, abangan ito ngayong Sabado, May 31, 2014, 7 pm sa GMA News TV.