ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Chef Roland and Jackie Laudico love story, tampok sa 'Wagas'



Bago pa man maging sikat na chef ang mag-asawang sina Roland at Jackie, naging magkaklase muna sila sa kursong Asian Tourism sa kolehiyo. Aminadong na-“love-at-first-sight” si Roland  o “Lau” kay Jackie, habang ang ‘ligawing” si Jackie naman ay ka-barkada lang ang turing kay Lau.
 
Naging matalik silang magkaibigan at halos dalawang tinago ng torpeng si Lau ang espesyal na damdamin para kay Jackie.
Siya ang naging driver, tutor, at assistant ni Jackie sa pagluluto, na namang gustong-gusto naman ni Lau gawin para sa minamahal na kaibigan.
 
Dito nagsimula ang kwento ng pag-ibig ng dalawang taong ang hilig ay magpasaya ng tao sa pamamagitan ng kanilang pagluluto, na sa pagluluto rin nagkasundo at nagka-inlove-an!  
 
Alamin kung ano naging recipe sa kanilang magandang samahan na nauwi sa kasalan at pagkakaron ng dalawang anak.
 
Abangan ang love story nina Chef Lau at Chef Jackie sa Wagas! Ngayong Sabado, June 14, 7pm sa GMA News TV.