ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Walang Iwanan' : The Danny and Baby Cabeñan Love Story

“Walang Iwanan”
Written and Directed by Zig Dulay
Starring: Mercedes Cabral, Alex Medina, Maria Isabel Lopez, Simon Ybarra
"Love at first sight" ang naramdaman ni Baby nang magtagpo ang mga mata nila ni Danny. Nag-aaral noon sa hayskul ang dalaga samantalang trabahador naman ang binata sa isang kasko o barge. Hindi na maalis sa isip ni Baby ang binata magmula nang una niya itong masilayan.


Ang unang pagkikita sa kasko ay nasundan nang nasundan hanggang sa sila ay magkamabutihan. At ang pagkakamabutihang ito ay nagbunga ng isang supling, na nasundan din ng isa pang supling hanggang sa dumami nang dumami at umabot sa dalawampu’t dalawa.

Sa pagitan ng bawat nabubuong supling ay mga pagsubok na sinikap nilang harapin; naging bisyo ni Danny ang pagkakaroon ng ibang babae samantalang nalulong naman si Baby sa pagsusugal. At kasabay ng mga bisyong ito ay ang kanilang problema sa mga anak, may nabuntis nang maaga gaya ni Baby at may mga namamatay buhat ng karukhaaan. Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng paghihirap kaakibat ng pagkakaroon ng maraming anak ay nanatili pa rin silang magkasama. Bagamat limang anak ang nawala sa kanila, hindi nabawasan ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/ wagastv11
https://twitter.com/wagastv11
https://www.facebook.com/
https://twitter.com/wagastv11
More Videos
Most Popular