ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Pugad Sa Sementeryo' tampok ngayong Sabado sa 'Wagas'
October 25, 2014, 7PM, GMA NEWS TV
"PUGAD SA SEMENTERYO"
(Halloween Special)
Writer: Danzen Santo
Director: Zig Dulay
Cast: John Feir & Chariz Solomon

Sekretarya sa opisina si Nancy noon habang isang telephone operator naman si Popoy. Na-inlove sa boses ng isa’t-isa ang dalawang ito kaya ang simpleng paguusap sa telepono, ay tila itinadhana para sila ay magkakilala at mag-date.
Ngunit paanong nangyari na mula sa mga de-aircon na opisina ay napadpad sina Nancy at Popoy sa sementeryo dahil sa kanilang pag-iibigan.
Paano ba magkaron ng mag-asawa at magpalaki ng pamilya sa lugar ng mga patay?

Tampok sina Chariz Solomon at John Feir, abangan ang espesyal na pagtatanghal na ito ng Wagas na handog ng propgram para sa papalapit na “Halloween”!
Huwag ito palampasin ngayong Sabado, October 25, 7pm sa GMA News TV!
Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account: https://www.facebook.com/wagastv11
More Videos
Most Popular