ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kuwento ng pag-ibig nina Joe at Edith Burgos, tampok sa 'Wagas'


IPINAGLABANG PAG-IBIG  PART2 :
The Joe & Edith Burgos Love Story   
(Valentine Episode Part 2 )
FEBRUARY 21, 2015, 7PM, GMA NEWS TV
 
Ngayong Sabado na ang ikalawang yugto ng makulay at matamis na pag-iibigan ng mga freedom fighters na sina Joe at Edith Burgos.  
 
Matapos ang kanilang kasal, tuloy pa rin ang panliligaw ng matalinong reporter sa asawa. Itinuring niyang prinsesa si Edith. Sa katunayan, siya pa nga ang nagluluto sa bahay.


 
Pero hindi naging ‘happy ever after’ ang kanilang kuwento.
 
Dahil sa panunuligsa ni Joe sa rehimeng Marcos, isa siya sa mga napuntiryang ipakulong. Upang maiwasan ang mga banta sa kanyang buhay, kinailangang iwanan niya ang kanyang mag-ina at umalis muna ng Pilipinas.



 
Nang bumalik si Joe, inumpisahan  ng mag-asawa, kasama ang kanilang mga anak, ang paglilimbag ng pahayagang Malaya.  Naging mainit sa mata ng diktador ang mag-asawang Burgos pero ipinagpatuloy pa rin nila ang pagsisiwalat ng katotohanan. Dahil dito, may ilang beses ring na-raid ang kanilang palimbagan at ilang beses ring nakulong si Joe. Napagtagumpayan naman ng mag-asawa ang mga pagsubok na ito at ng dumating na ang EDSA Revolution noong 1986, umabot sa 300,000 ang naging sirkulasyon ng Malaya. 
 
Nang matamo ang demokrasya, nagretiro si Joe upang tutukan ang kanyang pamilya. 
 
Taong 2003, na -diagnose ng kanser si Joe.
 
Isang buwan bago namatay si Joe, isang sorpresang awit pa ang kinanta ni Joe para kay Edith—ang nag iisang babaeng inibig niya ng wagas.
 
Tampok sina Ina Feleo at Yul Servo, sa panulat at direksyon ni Adolf Alix, Jr, abangan ang pangalawang yugto sa Valentine Special ng Wagas ngayong Sabado,  7 PM February 21, 2015.