ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Tambalang Gabbi Garcia at Ruru Madrid o #GABRU, bibida sa 'Wagas'
#GabruOnWagas
"FIRST LOVE"
RURU MADRID & GABBI GARCIA
The Aleine Camino & Anjo Robrigado Love Story

Kung bubuksan natin ang diary ni Aleine, magsisimula ito sa araw kung saan una silang nagkita ng kaniyang crush na si Anjo, isang transferee at basketball player sa kanilang eskwelahan. Palibahasa’y mukhang geek at hindi pala-ayos sa sarili, hindi siya pinapansin ni Anjo.

Gayunpaman, hindi siya nawalan ng pag-asa. Gumawa si Aleine ng kung anu anong paraan para mapansin ng binata. Nariyan ang nagdadala si Aleine ng tubig para sa buong basketball team ni Anjo o kaya'y niyayaya niya ang binata para maging ka-group sa school projects para mapalapit lang sa kaniya. Naitago niya pa ang balot ng kendi nang minsang nag-alok si Anjo sa kanilang magkakaklase. Matindi nga raw ang tama ng kupido kay Aleine!
Dahil marahil isa raw siyang "ugly duckling" kaya hindi siya pinapansin ni Anjo. Pero kalaunan, tila bulaklak na namukadkad, nagdalaga, nag-bloom at gumanda si Aleine. Nagsimula siyang ligawan ng marami. Pero ang puso ni Aleine, para kay Anjo lang. Bago matapos ang highschool, naging magkasintahan ang dalawa. Tuluyang natupad ang pangarap ng dalaga.

Ngunit sinubok ng tadhana ang kanilang relasyon sa kolehiyo. Magkaiba sila ng pinasukang unibersidad, magkaiba ng kursong kinuha at trabahong napasukan. Unti-unting lumaylay ang kanilang relasyon kung kaya’t napagdesisyunan nilang maghiwalay.
Gayunpaman, puso pa rin ang namayani at tila tadhana ang may takda. Natagpuan pa rin nila ang isa't isa. Wala nga raw katulad ang "FIRST LOVE".
Tampok sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia---sama sama tayong ngumiti, kiligin at balikan ang una nating pag-ibig sa WAGAS ngayong SABADO, 7PM, sa GMANEWSTV!
Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/ wagastv11
https://twitter.com/wagastv11

https://www.facebook.com/
https://twitter.com/wagastv11
Tags: prstory
More Videos
Most Popular