ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Love story ng socialite na si Tessa Prieto, mapapanood sa 'Wagas'
“COLORS OF LOVE”
THE TESSA PRIETO & DENNIS VALDES LOVE STORY
STARRING: JACKIE RICE & TJ TRINIDAD
Sa makulay, magarbo at madalas ay “out-of-the-box” fashion statement ng sikat na interior designer at socialite na si Tessa Prieto, hindi mo aakalaing isang tahimik at simpleng lalaki ang mahuhumaling at mahuhulog sa masaya niyang mundo.

Matapos mabuntis at maging isang dalagang ina ni Tessa noon, patuloy niyang hinanap ang wagas na pag-ibig pero naging mailap ito. Pumunta siya sa Amerika para maghanap ng bagong buhay doon kasama ng kanyang kuya na itinuturing niyang bestfriend.
Pagbalik ng Pilipinas, muling nadurog ang kanyang puso sa pagkamatay ng kanyang kuya. Ito rin ang naging “turning point” sa makulay niyang pananamit. Ibinuhos ni Tessa ang araw-araw na ‘celebration of life’ sa kanyang pananamit dahil ika nga niya’y “Life is short”.
Sa isang diving activity, unang nagkakilala sina Tessa Prieto at si Dennis Valdes. Magkaibang-magkaiba ang kanilang mundo. Maingay, “life of the party” at isang socialite si Tessa samantalang si Dennis ay seryoso, tahimik at isang negosyante.
Ang magkaibang mundo--- sa isang banda, ay nagtagpo. May anak man sa pagkadalaga si Tessa, tinanggap ito ni Dennis.

Sa kabila ng kaniyang “kakaibang” mga kasuoutan, isang simple at magandang babae ang nakita ni Dennis.
Sa pagbabalik nilang muli sa isang diving activity, doon nag-propose ng kasal si Dennis.

At ang kanilang kasal, hindi basta basta. ---Isang medieval themed wedding ang ‘tila’ isang engrandang “stage production”ang naganap para simulan ang “Forever” nina Tessa at Dennis!

Isang masaya, makulay at “feel good” love story tampok sina Jackie Rice at TJ Trinidad ang handog ng WAGAS ngayong Sabado 7PM sa GMANEWSTV.
Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:

https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11
Tags: prstory
More Videos
Most Popular