ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kylie Padilla at Derrick Monasterio, bibida sa kuwento ng pag-ibig sa kabila ng trahedya sa 'Wagas'
“Basta Tricycle Driver, Sweet Lover”
Starring Kylie Padilla and Derrick Monasterio

Hindi ordinaryong Tricycle Driver si Romy--naputulan man ng paa tuloy pa rin ang kaniyang pasada. Pero bukod sa kahanga-hanga niyang kasipagaan, laman ng kaniyang puso ang isang matamis at makulay na love story.
Pasahero ni Romy sa tricycle si Emily at unang kita pa lang niya sa dalaga alam niya raw na iba na ang tama niya. Kaya nang sunod niya itong maisakay sa tricycle, nilibre niya na sa pamasahe. Mula noon, inaraw-araw niya na ang panliligaw.
Niligawan ni Romy pati pamilya ni Emily at kahit relihiyon niya, binago niya para sa dalaga.

Tutol man ang pamilya ni Emily sa isang hamak na tricycle driver, pinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan.

Sa tuwing pumapasada si Romy, kasama niya si Emily. Hindi sila mapaghiwalay.

Pero isang malagim na aksidente ang magkasama rin nilang naranasan. Nabangga ang kanilang tricycle at kinailangang putulin ang paa ni Romy.

Sa kabila nito, magkasama silang bumangon mula sa trahedya. At putol man ang kaniyang paa, tuloy pa rin si Romy sa pagiging mapagmahal na asawa kay Emily at responsableng padre de pamilya.
Tampok sina Kylie Padilla at Derrick Monasterio, abangan ang kahanga-hangang kuwento ng pag-ibig at pagbangon ngayong Sabado sa WAGAS, 7 PM, sa GMA News TV!

Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/ wagastv11
https://twitter.com/wagastv11

https://www.facebook.com/
https://twitter.com/wagastv11
Tags: prstory
More Videos
Most Popular