ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pag-ibig ng babaeng puno ng mga bukol sa mukha, ilalahad sa 'Wagas'


#WagasMukha
Starring Rhian Ramos at Mark Herras

Kaya mo bang ibigin ang isang taong ganito ang mukha?





Isang pambihirang sakit ang dumapo sa balat ni Naty kung kaya't ang dating kagandahan unti-unting naglaho kapalit ang tumubong mga butling at bukol sa kaniyang mukha.

Madalas siyang kutyahin ng mga tao kung kaya't madalas din siyang panghinaan ng loob, lalo na nang maltratuhin siya ng unang lalaking inibig niya matapos magbago ang kaniyang itsura.



Lumayas si Naty sa poder ng kinasama niyang sadista at napadpad sa Zambales kung saan niya nakilala si Dolfo, ang lalaking magmamahal sa kaniya ng wagas sa kabila ng kaniyang pagiging "babaeng ubas."



Tampok sina Rhian Ramos at Mark Herras sa isang natatanging pagganap, ito ang kuwento ng tunay na pag-ibig na hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan kundi sa nararamdaman ng puso.  Ang pag-ibig sa likod ng "Babaeng Ubas" ngayong Sabado sa  WAGAS 7 PM on GMA NEWS TV.



Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11
Tags: prstory