ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Hiwaga ng sumpa, kulam at mahika, tampok sa bagong kuwento ng 'Wagas'


 
Ngayong buong buwan ng Oktubre, hatid ng WAGAS ang apat na kwento ng pag-ibig at kababalaghan. Una rito ngayong darating na Sabado ang istorya ng “KULAM at PAG-IBIG”  tampok sina KRIS BERNAL, MARTIN DEL ROSARIO AT PHYTOS RAMIREZ.
 
KULAM at PAG-IBIG 
 
 

                         
 

Tila kakambal na ng pag-ibig ang hiwaga ng sumpa, kulam at mahika. Sa mga nagdaang taon ang mga dasal ay tila ginagamit upang mabighani at makuha ng taong nagmamahal ang kanyang iniirog. Pero hanggang saan nga ba natin dapat gagamitin ang mga ito para sa ating WAGAS na minamahal?
 

Wagas na pag-ibig at kulam iyan ang naransan ni Jonalyn nang makilala niya ang lalaking inakala niyang magmamahal sa kaniya nang lubos.
 

Unang nakilala ni Jonalyn si Tony ang una niyang lalaki na mamahalin ngunit nabahiran ang pagsasama nila ng matinding selos nang dumating si Andy. Isang gwapong lalaki na iibig din kay Jonalyn. Tila mapapagitna si Jonalyn sa dalawang lalaki na nais siya maangkin.
 
 
Isa sa kanila ang magiging sanhi upang maghirap si Jonalyn at makaramdam ng sakit sa pagnanasang siya ay makuha. Isa sa kanila ang magpapakulam sa dalaga.
 Si Tony o si Andy ang magwawagi sa natatanging pag-ibig ni Jonalyn. Makayanan kayang matalo ng wagas na pag-ibig ang sumpa?
 
Sa Unang Sabado ng WAGAS OCTOBER SPECIALS abangan sina KRIS BERNAL, MARTIN DEL ROSARIO at PHYTOS RAMIREZ 7pm October 10, 2015.