ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Lalaking ikinasal sa babaeng may problema sa pag-iisip, tampok sa 'Wagas'

“Kung hindi na kilala ng asawa mo ang sarili niya, mamahalin mo pa rin ba siya?”
Sa pagpapatuloy ng WAGAS October Love Specials, isang pambihira at hindi matatawarang kwento ng pagmamahalan ang bibigyang buhay ng award-winning actress na si ALESSANDRA DE ROSSI at DOMINIC ROCO. ngayong Sabado 7PM sa WAGAS on GMANEWSTV.
HINDI KO NA KILALA ANG ASAWA KO


‘Sa hirap at ginhawa, sa sakit man o sa karamdaman, magsasama magpakailanman.’ Ito ang sumpaan nina Michael at Imelda sa isa’t isa nang sila ay ikinasal.


Ito ang sumpaang magsisilbing hamon ng tadhana para sa kanila nang manganak si Imelda at magbago ito ng ugali at pag—iisip. Tila nawawala na ito sa sarili. Sakit na eclampsia raw ang kanyang nararanasan. Bagamat panandaliang gumaling si Imelda sa tulong ng doctor at albularyo, pagkalipas ng ilang taon ay muling umatake ang kaniyang sakit kung saan siya ay nagmimistulang baliw o nawawala sa sarili.


Mapanindigan kaya ni Michael at Imelda ang pangako nila sa isa’t isa?

Malampasan kaya nila ang hamon ng pagkakataon na siyang sumubok sa kanilang wagas na pagmamahalan?
More Videos
Most Popular