ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Love story ng isang mortician at embalsamador, tampok sa 'Wagas'

A MORTICIAN’S LOVE STORY


Mortician ang tawag sa make up artist o nagpapaganda sa mga patay, at ngayong Sabado sa WAGAS tampok ang love story ng isa sa kanila kasama ang kanyang tunay na pag-ibig na isa namang embalsamador. Isang COMEDY HORROR love Story ito na gagampanan nina Maey Bautista at Betong Sumaya.


Nagkakilala sina Lenlen at si Leo sa punerarya. Hindi type ni Lenlen si Leo nooong una pero si Leo na love at first sight daw kay Lenlen.

Driver ng karo at over-all helper ang trabaho noong una ni Leo sa punerarya kaya hindi agad naging boto ang mga magulang ni Lenlen sa kanya. Pero sa loob ng punerarya, namuo ang pag-iibigan ng dalawa at hindi na napigilan ng kanilang pamilya.


Nang mabuntis si Lenlen, nagsumikap si Leo hanggang sa naging embalsamador. Tatlong sunod sunod na anak na babae ang naging biyaya sa mag-asawa at nang pagbigyan ang kanilang hilig sa nag-iisang anak na lalaki, halos madurog ang puso ng dalawa na tinamaan pa ito ng malubhang karamdaman.

Upang tulungan ang asawa sa pagpapagamot sa anak at kahit takot sa patay, nagsumikap si Lenlen para maging isang mortician o make up artist ng patay. Ngayon sa loob ng punerarya, magkatuwang na nagsisikap sina Lenlen at Leo para sa kinabukasan ng kanilang pamilya at para sa lalo pang pagpapatibay ng kanilang wagas na pagmamahalan.

Tampok sina Maey Bautista at Betong Sumaya sa WAGAS ngayong Sabado 7PM sa GMANEWSTV.
Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/ wagastv11
https://twitter.com/wagastv11
https://www.facebook.com/
https://twitter.com/wagastv11
More Videos
Most Popular