ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Kuwento ng lalaking may karibal na kapre, tampok sa 'Wagas'

“Paano kung ang karibal mo ay isang nilalang na hindi mo nakikita?”
Sa huling linggo ng WAGAS October Love Specials, isang kahindik-hindik na kwento ng pag-ibig at pakikipaglaban sa kampon ng kadiliman ang bibigyang buhay nina LJ REYES at RAFAEL ROSELL ngayong Sabado 7PM sa GMANEWSTV.


SANIB NG KAPRE
Pagkatapos maikasal ay minabuting tumira nina Nora at Abmar sa isang simple ngunit liblib na lugar. Gaya ng mumunting kubo na kanilang tinitirhan, payak na pamumuhay ang gusto nilang pareho para sa kanilang pamilya.

Madalas naiiwang mag-isa si Nora sa kanilang bahay dahil abala si Abmar sa pamamasada, kaya naman kinausap niya ang asawang mangamuhan muna sa sentro para may dagdag din silang ipon.

Sa masukal na daan patungo sa pinapasukan ni Nora, napapansin niyang laging may sumusutsot sa kaniya, may mga magagandang bulaklak na nakakalat at mayroon ding mga prutas na para bang siya’y nililigawan ng isang nilalang na hindi niya nakikita, ng isang kapre sa may malaking punong dinadaanan niya.

Ang panliligaw ng kapre kay Nora ay lumalim nang lumalim hanggang sa gusto na siyang angkinin, gusto na siyang kunin kay Abmar. Hindi sukat akalain ni Abmar na ang susukat sa kanilang pag-iibigan ay isang nilalang na hindi nila nakikita.

Subalit mas malaki ang pag-ibig ni Abmar para kay Nora keysa sa pagsubok na ito… matagumpay na nalagpasan ng mag-asawa ang SANIB NG KAPRE.
More Videos
Most Popular