Love life ng radio announcer na si Tita Swarding, tampok sa 'Wagas'
“Ang Nakakabaliw na Lab Story ni Tita Swarding”
STARRING JERALD NAPOLES & VALEEN MONTENEGRO



Isang batikang radio personality at entertainment columnist si TITA SWARDING, samantalang si BETTY ay isang simpleng dakilang fan. Masugid na tagapakinig si BETTY ng mga programa sa radyo ni TITA SWARDING noon kaya naman ng maimbitahan siyang magpunta sa istasyon ay tila katuparan ng malaking pangarap niya na makita at makasalumuha ang kanyang pinakaasam na idolo. Hindi nga naglaon, naging malapit sila sa kabila ng kasarian ni TITA SWARDING na hindi naman niya itinago o inilihim kay BETTY. Sa katunayan binigyan niya pa ito ng trabaho sa radio station na naging dahilan para mas lalong mapalapit ang kanilang loob.

Ito ang kuwentong magpapatunay na ang kasarian ng isang tao ay kailanman hindi naging batayan ng isang wagas na pagmamahalan. Tampok sina Jerald Napoles bilang Tita Swarding at si Valeen Montenegro bilang Betty, isang nakakaaliw at nakakatuwang kwento ang handog ng WAGAS ngayong Sabado 7PM sa GMANEWSTV.