ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang nag-iisang mahal ni Mahal, kikilalanin na sa 'Wagas'


“May Wagas na MAHAL na si MAHAL!”
Starring Rodjun Cruz & Marilyn Apolinar

Nitong nakaraang November 2 lang,  nagulat ang lahat nang maglabasan ang mga litrato niya sa social media--- Ikinasal na si Mahal at nakahanap na siya ng kanyang  Wagas na pag-ibig!

Sino bang hindi nakakakilala kay “MAHAL” o Noemi Tesorero sa totoong buhay?  Sa maliit niyang boses at hitsurang animo’y maliit na bata, hindi mo  aakalaing kuwarenta anyos na pala siya. Hindi kaila sa marami ang kontrobersiyal niyang buhay pag-ibig. Ilang beses na siyang nagmahal at nasawi. Pero hindi raw tumigil sa pagdarasal si Mahal na  balang araw ay makatagpo siya ng lalaking daldahin siya sa altar.

Isang matadero at bagger sa supermarket ang 25- anyos na si Jobbie. Nabago ang buhay ng simpleng binata nang magtanghal  si Mahal sa fiesta ng kanilang barangay.  Pinasaya raw at pinatawa ni Mahal ang nalulumbay niyang puso nang araw na iyon. At mula noon, naging magkaibigan  na sila… na ngayon ay nauwi na sa kasalan.

Wala nang makapipigil sa kanila…Walang sukat, walang edad. Si Mahal, nakahanap na ng kanyang wagas na MAHAL! Ngayong Sabado 7PM sa WAGAS  GMANEWSTV.

Tags: plug, pr, prstory, wagas