Tatlong kuwento ng pag-ibig, tampok sa 'Wagas' 3rd anniversary
3 BIG STORIES ON WAGAS’ 3RD ANNIVERSARY!

Tatlong malalaking istorya mula sa ibat’ ibang sulok ng Pilipinas ang handog ng Wagas sa ikatlong taong anibersayo ng programa ngayong buwan ng mga Puso magsisimula na ngayong February 13.

Tampok sina DENNIS TRILO at SAM PINTO, ito ang makulay na paglalakbay sa paghahanap ng tunay na pag-ibig nina Rome at Mhaycee na natagpuan sa probinsya ng Bicol. Broken-hearted si Rome kaya mula Maynila dumayo siya sa Bicol para hanapin ang sarili. Tulad ng pagkabighani sa ganda ng Bulkang Mayon--- nabighani si Rome sa probinsiyanang si Mhaycee, isang pintor. Magaling magpinta at gumuhit si Mhaycee. At nang iguhit niya ang mukha ni Rome sa kanilang unang pagkikita tila nagkaroon ng kulay ang kani-kanyang mundo. Ngunit habang lumalalim ang kanilang pag-iibigan ay hindi maiiwasang maungkat ang mga lihim ng nakaraan. Parang mga maaanghang na putahe sa Bicol ang mga lihim na ito ay tila yayanig at susubok sa inaasam-asam na tamis ng pag-ibig na wagas.


“THE ONE THAT GOT AWAY”
Saksi ang nagagandahang molino ng Bangui at ang makasaysayang Paoay Church sa Ilocos sa pagmamahalan nina Laura at Jun na gagampanan nina ALESANDRA DE ROSSI at BENJAMIN ALVES. Magsisimula ang kwento sa liham ni Jun na isinasalaysay ang tungkol sa isang babaeng naging bahagi ng kanyang buhay na hinding hindi niya makakalimutan. Si Laura ang kanyang unang pag-ibig ngunit naging mapagbiro ang tadhana--- ilang ulit silang pinaghiwalay hanggang sa nagkaroon ng kanya kanyang buhay. Pagkalipas ng maraming taon, muli silang nagkita --- puti na ang mga buhok, bitbit ang mga pusong nagsusumamo. Itutuloy kaya nila ang naunsiyaming pag-iibigan o tatanggapin na lamang ang katotohanang sa maling panahon sila nagmahalan?
Simula ngayong February 13 abangan ang kapana-panabik na mga istoryang ito tuwing Sabado 7PM sa pagdiriwang ng ikatlong anibersayo ng WAGAS sa GMANEWSTV!