Love story ng isang mangkukulam, tampok sa 'Wagas'

May hihigit pa ba sa kapangyarihan ng pag-ibig?

Sa mata ng ilan niyang kakabayan , isang “mangkukulam” si Jane. Pero ang totoo, namana niya mula sa kanyang lola ang kapangyarihan bilang isang “manggagamot”. Kakaiba ang kaniyang kapangyarihan dahil hindi lang siya nakakagamot ng mga karaniwang sakit kundi nakakaganti siya sa mga nakakagawa ng masama sa pamamagitan lang ng kaniyang isip.

Pero hindi naging sagabal kay Arthur ang reputasyong ito ni Jane. Minahal niya ang dalaga ng WAGAS at ipinadama sa kanya kung paano tanggapin ng walang panghuhusga.
Magiging kasangkapan kaya para sa pagpapayabong o magiging balakid ang kanyang kakaibang kapangyarihan ni Jane para makamit ang magtagumpay ang pagiibigan nila ni Arthur, ang lalaking tumanggap sa kaniya nang buong-buo sa kabila ng sabi-sabing isa siyang mangkukulam?

Isang hindi matatawarang pagganap ang matutunghayan kina JOYCE CHING at MARTIN DEL ROSARIO sa WAGAS ngayong Sabado 7PM sa GMANEWSTV.