Kuwentong pag-ibig ni Dick Israel, tampok sa 'Wagas'

Love at first sight. Ganito unang nagkakilala ang character actor na si DICK ISRAEL o Richardo Michaca sa totoo buhay at asawang si Marilyn nang minsang magpahula ang Tita ni Marilyn sa Nanay ni Dick.
At dahil mga bata pa sila, nagtanan at nagsama ang dalawa sa Baguio hanggang sa makabuo sila ng isang pamilya.Pinalad namang maging artista sa pelikula si Dick nang matanggap siya sa isang audition at mula noon, naging maganda ang kanyang karera. Naging paborito siyang kontrabida at sidekick ng mga action stars.
Dahil sa kinang ng showbiz, napariwara si Dick. Iniwan niya si Marilyn at ang kanilang mga anak. Pero sa kabila ng mga ito, tiniis ni Marilyn ang lahat.
Naging masaklap ang kapalaran para kay Dick. Na-stroke, tuloy tuloy na nanghina at nawalan ng trabaho. At isang araw, pagbukas ng pintuan ni Marilyn: Naroon ang asawa. Bumabalik sa kanya.
Walang pagtatanong muli niyang tinanggap ang asawa. Puno ng pagpapatawad at pagmamahal, binuksan niya ang pintuan at binigyan ng pangalawang pagkakataon si Dick. Nanatili si Marilyn sa tabi ni Dick. Siya ngayon ang nag-aalaga at sumusuporta sa asawa lalo na ngayong maysakit na ito at lumalaban sa buhay.
Tunghayan ang kakaibang wagas na kwento ng pagpapatawad at walang sinusukat na pagmamahal tampok ang mga tatlo sa pinakamagaling na aktor ng kasalukuyang henerasyon na sina INA FELEO, MARA LOPEZ at BARON GEISER bilang DICK ISRAEL ngayong Sabado sa WAGAS 7PM sa GMANEWSTV.