Mag-asawang titira sa haunted mansion, tampok sa 'Wagas'

Ngayong buwan ng Oktubre, isang ‘monthlong’ Halloween Special ang handog ng WAGAS tampok ang iba’t ibang kwento ng pag-ibig at kababalaghan.
Bibigyang buhay nina Valeen Montenegro at Rafael Rosell ang kwento ng mag-asawang sina Ramon at Digna at kung paano sinubok ang kanilang pagmamahalan sa loob ng isang “Haunted Mansion”. Bagong lipat ng bahay sina Ramon at Digna kasama ang kanilang anak na si Jay-R.
Sa kanilang bagong bahay, sisimulan nila ang pagbuo ng kanilang mga pangarap sa pamilya at lalo na sa kanilang anak. Umaasa sila na ang pagbukod nilang mag-asawa ang magiging susi upang mas lalong tumatag ang kanilang samahan. Lingid sa kanilang kaalaman, bagamat mura ang upa sa malaking bahay, binabalot ito ng mga kababalaghan.