Ang nag-iisang lalaking inibig ni Lilia Cuntapay, mapapanood sa 'Wagas'

Ngayong Sabado sa WAGAS OCTOBER LOVE SPECIALS ... ang tinaguriang “Horror Queen” ng Philippine Cinema na si Lilia Cuntapay mayroon din palang itinatagong kwento ng kanyang Wagas na Pag-ibig!
Buong buhay ni Lilia iisang lalaki lang ang minahal niya hanggang bawian siya ng buhay noong Agosto 2016. Si Basilio--- ang kanyang first and only love.
Bago mapadpad sa showbusiness , simpleng teacher noon sa Tuguegaro si Lilia, Nakilala niya ang isang kadete na si Basilio. Niligawan siya ni Basilio at naging matamis ang kanilang pagsasama. Pero nadestino sa Baguio si Basilio at kinailangan nilang maghiwalay. Naging mapait ang takbo ng mga pangyayari, napikot si Basilio at wala siyang mukhang naiharap kay Lilia. Lumayo siya ng walang kamalay malay ang naghihintay na si Lilia.
Hindi lang basta naghintay si Lilia kay Basilio. Nang umalis ang lalaki, nagdadalang tao pala si Lilia. Nagkaroon sila ng anak—si Gimo.Sa galit kay Basilio, inilihim niyang nagkaroon ng bunga ang kanilang relasyon. Isinilang ni Lilia si Gimo at nagtungo ng Maynila para hanapin ang sarili. Ito rin ang naging simula ng pagganap niya bilang mga ‘’aswang’’ sa pelikula.
Lumaki si Gimo sa pag-aakalang ang kanyang lola ang kanyang ina. Pagkalipas ng 17 taon saka lamang bumalik si Lilia sa probinsya at nagpakilala sa anak. Taong 2016 nang magkakomplikasyon sa spinal cord si Lilia. Dahil batid na rin ni Lilia na hindi na siya magtatagal, inamin niya kay Gimo na si Basilio ang kanyang tunay na ama. Sa puntong lang din iyon malalaman ni Basilio na nagbunga pala ang pag-iibigan nila ni Lilia noon.
Sa pagpanaw ni Lilia, labis ang pagsumama ni Basilio.
Isang pambihirang pagganap ang matutunghayan kay MERYLL SORIANO bilang Lilia Cuntapay kasama sin GABBY EIGENMANN at JERIC GONZALES. Ngayong Sabado 7pm WAGAS sa GMANEWSTV!