ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pag-iibigang Rochelle at Junbert Robiso, mapapanood sa 'Wagas'


 


 

Ang imahe ni Rochelle habang pinagsisilbihan ang kanyang maysakit na asawa na si Junbert ay  minsang dumurog sa maraming puso sa social media. Nagviral ang kanilang larawan at video. Ipinalabas ang kanilang kwento sa "Kapuso Mo Jessica Soho"--- isang kahanga-hangang kwento ng pag-ibig na dinaanan ang lahat ng pagsubok subalit hindi sumuko. Lumaban. At ngayon dahil sa pag-ibig,  nabiyayaan ng panibagong buhay. Tama nga ang sabi nila: Truly,  Love heals.

 Sa dami ng pinagdaanan nina Rochelle at Junbert Robiso, parang teleserye raw ang kanilang kwento.  Mula Romblon, lumuwas ng Maynila noon si Rochelle para magtrabaho. Dahil ayaw nilang magkahiwalay, sumama sa kanya si Junbert.  Sa Maynila hindi naging madali ang buhay. Pinalayas sila sa tinutuluyan at nawalan ng tirahan kaya’t  sa bangketa at bus terminal sila natutulog. Wala silang makain. Pero dumating ang pinakamalaking dagok nila ng tamaan ng matinding karamdaman si JUNBERT. Nanlabo ang mga mata, nagsusuka ng dugo at tuluyanng nanghina. Nadiagnose na may brain tumor si JUNBERT. Dalawang taon na lang daw ang kanyang itatagal.



Ngunit hindi tulad ng ibang babae, matapang at matatag si Rochelle.  Nanatili siya sa tabi ng asawa. Pinapakain, pinapaliguan, inaalagaan. Kinakantahan at pina palakas niya ang loob ni Junbert.  Ginawa  niya ang lahat para maipagamot ang asawa kahit wala silang pera. Dahil sa isang larawan nilang pinost niya  sa Facebook ---nabago ang kanilang buhay. Nag-viral ang video at dumagsa ang tulong.



Kamakailan, isang himala ang naganap. Ang dating mahinang mahina at hindi makatayo na si Junbert---nakabigkas ng salita at nakatayo na. Tila napagaling daw siya ng pagmamahal ng asawa.

Isang kwentong  tatagos sa inyong mga puso at magpapaiyak sainyo ang handog  ng WAGAS tampok sina JANINE GUTIERREZ at MARTIN DEL ROSARIO  ngayong parating na November 5, 2016 Sabado 7pm sa GMANEWSTV!

Tags: plug, wagas