Love story ng isang bading at isang babae, tampok sa 'Wagas!'

“Bakla ako. Pero mahal pa rin kita.” Ito na yata ang pinakamahirap na linyang binitawan ni Emerson nang aminin n’ya sa babaeng pinakamamahal ang tunay n’yang nararamdaman.

Childhood sweetheart niya si Sherish, ang tanging babaeng nagpatibok ng kanyang puso mula pa noong gradeschool. Pero dahil kapwa pa sila bata noon, hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

Noon pa man ay marami na ang nakapapansin na malambot ang mga kilos ni Emerson. Kaya nang maghiwalay sila ni Sherish, kinuha ni Emerson ang pagkakataong ito para mas hanapin at kilalanin ang sarili. ’Di kalaunan, si Emerson ay naging si Margaux na sumasali sa mga gay beauty contest. Nakipagrelasyon na rin s’ya sa kapwa lalake.

Pero nang muling mag-krus ang landas nila ni Sherish, muling nabuhay ang pagmamahal ni Emerson sa dating nobya. Muli namang minahal at tinanggap ni Sherish si Emerson—naka-pantalon o naka-gown man ito.
Marami mang nagbago kay Emerson sa paghahanap n’ya sa tunay na sarili, ang hindi nagbago ay ang wagas na pag-ibig n’ya para kay Sherish.
ANG BOYFIE KONG BEKI (My Gay Boyfriend)
(Hugot Beki’s love story)
“Bakla ako. Pero mahal pa rin kita.” [I am gay. But I still love you.”] For someone like Emerson, these seem to be the hardest admission to make to the woman he truly loves.
Sherish was Emerson’s childhood sweetheart and the only girl he truly cared for since grade school. But because they were still very young when they 'fell in love,' it did not last.
When they broke up, Emerson took the chance to find himself. Emerson later changed his name to ‘Margaux’, and started joining gay beauty contests. He also got into a relationship with another man.
But when his path and Sherish's crossed again, Emerson realized that he still had feelings for her. Sherish, as it turned out, was also still carrying a torch for her childhood sweetheart and took him back again —whether in a pair of trousers or a pageant gown.
On his journey to self-discovery, a lot had changed in Emerson's life. But one thing stayed the same -- his love for Sherish.
/KVD