ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Love story ng isang may bingot, tampok sa 'Wagas!'

Ang Wagas na Pag-Ibig ng Isang May Bingot
Gaya ng kanyang pananalita, mahirap din kayang intindihin ang tunay na damdamin ng isang may bingot o kung tawagin ng iba’y “ngongo”?

Ipinanganak na may ganitong kondisyon si Rojan kung kaya’t hindi ito nakapagsasalita nang normal. Dahil dito, tampulan s’ya ng tukso mula pagkabata—“ngo-ngo” kung s’ya’y tawagin.
Pero isang kapitbahay ang itinuring siyang kaibigan sa kabila ng kanyang kondisyon. Siya si Joyce, ang first love ni Joyce. Pero sa una’y hindi nakuha ni Rojan ang puso ni Joyce. Dahil bata pa sila noon, hindi agad naamin ni Joyce sa sarili na may pagtingin din siya para kay Rojan na labis na nagmamahal sa kanya.
Minsang sumubok umibig ng iba si Rojan ngunit nabigo. Hanggang sa muli silang magkita ni Joyce at dito na natuloy ang naudlot nilang pag-iibigan sa kabila ng maraming pagsubok.

Si Martin del Rosario ang gaganap na Rojan. Isa sa mga dream role umano ito ni Martin kaya mas pinagpursigihan niya ang pagganap ng mga mahihirap na eksena. Kasama rito ni Martin si Joyce Ching bilang si Joyce, ang espesyal na babae sa buhay ni Rojan.
Panoorin ang Wagas ngayong Sabado, 7 PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular