ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Guiuan, Eastern Samar adventure sa 'Weekend Getaway'
WEEKEND GETAWAY
GUIUAN
Airing date: May 25, 2012
Ang young newly weds na sina Ven at Vien Cadapan ang magpapaka-happy sa kanilang Weekend Getaway kasama si Drew Arellano sa Guiuan, Eastern Samar! Ang Guiuan, na nanggaling daw sa salitang Bisaya na “GUI-GU-AN” o “maalat na tubig” ang sinasabing unang lugar na tinapakan ni Magellan bago siya pumunta sa Mactan, Cebu.
Nag-island-hopping ang dalawa at kasama riyan ang Kantican Island kung saan matatagpuan ang isang pearl farm. Mayroon pang swimming adventure kasama ang mga pawikan! Sa Gahoy Cave naman makikita nila ang kakaibang kariktan ng mga stalagmites at stalactites ng kuweba. Bibisitahin din nila ang isa sa tatlong PAG-ASA Weather Stations sa buong Pilipinas na nasa Guiuan mismo! Sasampolan din nila ang lokal na bersyon ng peanut brittle na kung tawagin ay saseme.
Pero siyempre, hindi mawawala ang mga Travel Missions. Sumailalim sina Ven at Vien sa isang surfing crash course bago makipagbuno sa malalaking alon ng Guiuan, lumantak ng kalabutan, isang uri ng gahiganteng pusit, at nagsikap umakyat sa matayog na puno ng niyog!
Isang kaabang-abang na Weekend Getaway ang naghihintay sa inyo sa Biyernes, 10 PM sa GMA NewsTV.
Tags: plug, easternsamar
More Videos
Most Popular