ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Weekend Getaway, biyaheng Roxas City, seafood capital ng Pilipinas


Ang magpinsang sina Ynna Asistio at Nico Pla ang makakasama ni Biyaherong Drew as Weekend Getaway flies to Roxas City, Capiz!   Kabilang sa Panay Group of Islands ang probinsiya ng Capiz, at narito ang syudad ng Roxas na tinaguriang Seafood Capital of the Philippines.  Pero bukod sa seafoods, dito rin nagmumula ang Capiz handicrafts na ipinagmamalaki ng Pilipinas sa buong mundo. Ang magpinsang sina Ynna Asistio at Nico Pla ang makakasama ni Biyaherong Drew as Weekend Getaway flies to Roxas City, Capiz! Ang first stop ng magpinsan: isang seafood extravaganza na inihanda ng Lawaan Garden Hotel.  Galit-galit muna habang nilalantakan ng dalawa ang ang mga masasarap na seafood dishes na inihanda para sa kanila.  Pero hindi pa man natutunawan, pinasyalan na agad nila ang isang showroom ng mga produktong gawa sa Capiz shells.  Dito, nakita nila ang mga ipinagmamalaking Capiz lanterns, lamp shades, wind chimes at iba pang Capiz products na world-class ang kalidad.   Sa pag-iikot ng magpinsan sa Roxas City, sinilip nila ang bahay kung saan isinilang at lumaki ang ikalimang pangulo ng Pilipinas, si Manuel Roxas.   Pinuntahan din nila ang Talon Adventure Park kung saan makikita ang isang orchid garden, mini-zoo at 300-feet zipline! Nilangoy rin ng dalawa ang crystal-clear waters ng Ulotayan Island.  Para makumpleto ang araw nila, nakisaya rin sila sa mga party people sa Area 1, ang night-life capital ng Roxas City. Pero kahit enjoy na enjoy sina Ynna at Nico, hindi naman nila pwedeng dedmahin ang mga Travel Missions na inihanda ni Biyaherong Drew.  Kinailangan nilang gumawa ng tatlong klase ng Capiz handicrafts, punuin ng isda ang sampung kupil sa isang pagawaan ng daing, at lumunok ng tatlong buhay na sasing na mula pa sa mangrove forest ng syudad!  Kayanin kaya ng mga warriors ang mga misyong ito?   Huwag palampasin ang Weekend Getaway sa Roxas City kasama si Drew Arellano ngayong Biyernes, 10PM sa GMA News TV.