'Weekend Getaway' visits the fishbowl of Camarines Norte: Mercedes
Matagal nang magkakilala ang magkaibigang Osang at Monica. Para sa kanila, ano mang lungkot, may punchline na puwedeng isagot at ano mang hamon, may kantang katapat. Stand-up comedian/performers ang dalawa at talagang napabibilib nila ang kanilang audience gabi-gabi. Si Osang, o Jeffrey Soliven, anyong babae pero machong-macho kapag nakikipagrakrakan na on stage. Si Joel “Monica” Castanares naman, divang-diva kung bumirit.
Nakapunta na sa iba’t ibang probinsiya ang dalawa para mag-perform pero di pa raw sila talagang nakapagbabakasyon. Kaya naman ngayong Sabado, dadalhin namin sina Osang at Monica, ang magkaibigang mala-sirena kung kumanta, sa Fishbowl of Camarines Norte, ang bayan ng Mercedes!
Samahan sina Osang at Monica na mag-tour sa Canimog island. Mula sa lighthouse rito, makikita ang kamangha-manghang Pacific ocean. Nag-enjoy din ang magkaibigan sa pagtatampisaw at pagswi-swimming sa Caringo at sa Baybay beach. Sa Catandunganon River naman, napasabak sila sa pagka-kayak.
Dahil sa Mercedes nagmumula ang seafood ng Camarines Norte, kasama ang mga yamang-dagat sa travel missions ng dalawangWeekend Warriors. Natalo kaya nila ang eksperto sa pagsususunong at pagsalansan ng tinapa? Nahakot kaya nila nang maayos ang mga isda sa bulungan challenge? Mapanalunan kaya nila ang twenty thousand pesos worth of clothing? Huwag magpahuli! Makibiyahe kay Drew Arellano sa pagbibigay niya ng isang di malilimutang bakasyon kina Osang at Monica sa Weekend Getaway, Sabado 4:30 p.m. sa GMA News TV.