Kanta sa Gabi
Madaling magsulat. Bolpen at papel lang ang kailangan, ang mga karanasang nasagap ng mga pandama, nasuri ng malay at nakongklusyunan ng isip ay pwede nang mahayag sa pagsulat saka iiimprenta para sa mambabasa. âYan ang buong akala ko bago nakakilala ng mga hinahangaang makata. At hayaan pong maibahagi sa inyo itong pagpupugay sa isa sa aking mga mentor?si Romulo A. Sandoval. Sa naaalala ko, birtdey niya sa ikaapat na linggo ngayong buwan ng Hulyo. Sa napuntahang gabi ng mga kanta at tula noong 2005 para kay Sandoval, binanggit ni Miss Bibeth Orteza, na isa si Tsong Mulong sa mga iniidolo rin niyang manunulat. Nitong Mayo 2008, sinadya ko si Mana Bibeth sa pina-facilitate niyang workshop para interbyuhin tungkol kay Tsong Mulong. Dahil puno ang iskedyul niya, ang naging remedyo ay e-mail interbyu. âPalaging naka-gray na t-shirt na Crispa ba âyon? Na ang yosi niya, nakasuksok sa manggas ng t-shirt niya. Palaging naka-maong, lahat naman kami. Saka sandalyas, lahat din kami.â Paglalarawan ni Mana Bibeth kay Tsong Mulong. Tubong Bauan, Batangas, ang pareho naming idolo sa henerasyon nila. At Samarenya si Mana Bibeth, kababayan. âNadeklara na noân ang martial law noâng magkakilala kami ni Mulong. May tambayan sila sa kanang hagdan ng UP Faculty Center, nakikitambay ako⦠Matindi kasi ang crush ko noân kay Jimmy Abad, at palaging doân sa bandang iyon nakaparada ang Volkswagen Beetle niya. Katatanaw ko kay Jimmy, nasasama ako sa grupo nina Mulong.â Istudyante ng anthropology si Tsong Mulong at Mass Comm si Mana Bibeth. Aktibo si Mana Bibeth sa ibaibang organisasyon na pang-istudyante, âVice-chair ako ng UP Rep â73-â74 at chairman noong â74-â75; nasa Consultative Committee on Student Affairs (Concomsa) na âpinalit sa UP Student Council, as Arts and Cultural Representative; UP Collegian staff; UP Writersâ Club; Phi Delta Alpha Sorority; umuusyoso sa Samapil, pero di talagang member; at nakikitoma sa mga taga-Galian sa Arte at Tula (GAT). âAng iba pang mga nasa tambayan na âyon tipikal sa mga kumikilos ng higit pa sa alam ng lahat: puro hitsurang walang ginagawa maliban sa tumambay. Si Mulong naman pirmi lang nakangisi. Walang ere. Parang palaging nanonood.â Sabi pa ng sikat na writer at gumanap na isa sa mga karakter ng "Iskul Bukol." May-akda rin siya ng mga iskrip ng ilan sa matitinong pelikulang Pilipino. Oktubre 1988 nang maging mentor ko sa workshop ng Pambansang Unyon ng mga Manunulat si Tsong Mulong. Ginanap sa National Arts Center, Mt. Makiling, Los Baños. At sa reorganisadong GAT noong 1989. Sa kada Sabadong workshop ng GAT hanggang 1993, ang mga akda namin na magkaka-henerasyon na manunulat ay napanday ng mga puna at nahulma ng bilib niya kapag kailangang hindi ipagkait. Matalas na kritiko sa tula, o anomang akda at likhang sining si Tsong Mulong. Heritage Arts Center sa Cubao ang basahán ng mga tula. Tumutuloy ang diskusyon saanman may hapag na tumatalab sa unawa ang bula ng beer at lalim ng gabi. Minsan, may promo ang isang bar na nainuman namin sa San Juan. Pahulaan sa pamagat ng limang kanta ni Don McLean. Apat lang ang nasagot ni Tsong Mulong. Pero binigyan kami ng isang ikot ng beer ng may-ari. Nang masunog ang Heritage noong 1990, nakisukob ang GAT sa SIKAP. Napasama ako sa grupong sumulat ng iskrip ng "Nang Magalit ang Bulkan kay Uncle Sam," isang balagtasan noong 1992. Mga aktor dito sila Armida Sigueon Reyna, Joel Lamangan, Willie Nepomuceno, Teo Antonio, Ai-ai Delas Alas, Jograd dela Torre, at iba pa, dinirek ni Ishmael Bernal. Ito ang huling proyekto ng GAT hanggang sa tuluyang nawatak noong 1993. Nagkaroon kami ng tambayan ni Tsong Mulong noong 1996 nang maitayo ang Kasalo, tipong karinderyang tagpuan ng mga manunulat at artists. Pag-aari ito ng mag-partner na sina makatang Tomas F. Agulto at Dra. Carmi Canila. Ilan sa mga nakapagtanghal sa mga produksyon dito sina Elizabeth Oropesa, Jaclyn Jose habang nagwiweyter kami. Isang gabi ng salusalo ay nabalitang nakikipagbuno pala sa kanser sa dila si Tsong Mulong. Inilabas ng Sipat Publications at SIKAP ang "Kanta sa Gabi," libro ng mga tula ni Romulo A. Sandoval. Sa gabi ng pagbunsod nito noong February 7, 1997, dumalo sa Kasalo ang mga kasabayan niya at nakababatang mga manunulat. Ang gabing ito ang naaalala ni Mana Bibeth sa paglalarawan niyang simpleng tao lang si Tsong Mulong. âPero di simple ang gusto niyang tamuhin para sa bayan. Di rin simple ang panulat, na sa unang basa, higit pa sa âyon na âyon ang mararamdaman mo. E, naka-wheel chair na nga, nagpipirma pa ng autograph. Hirap na ang katawan, ang kaisipan hindi pa. âMarami akong gusto sa mga ginawa niya. Byahe saka Ang Mga Kriminal ang paborito ko siguro. Nakakainis, kasi kung akala mo na sa sarili mo, nag-iilusyon ka nang writer ka, tapos nabasa mo ang Byahe, maiisip mo, ay, anak ng pating, di ako marunong, wala akong sinabi. (Ha-ha-ha).
Habang malayo ka sa mga nilisan/ naging matalik mong kabigkis-hininga ang mga dinatnan./ âPag nadadaan ako sa malas, sa personal na subasob, pilit kong inaalaala ang, Sa muling pagpupog ng paa /sa lupa, ano naâng manlagkit sa taing-kalabaw?/âKay Mulong kasi, what you saw is not what you get, may susun-susong lalim pa sa pagkatao niya. Ganoân din ang datÃng sa akin ng panulat niya,â
hinding hindi natatapos/ang pagtuklas,/ang paghahalukay at ang paggalugad,/muliât muling sinisino.âKinabukasan ng pagbunsod ng "Kanta sa Gabi," sumakabilang-buhay si Tsong Mulong. Naka-bookmark ang hintuturo niya sa pahina ng isang antolohiya ng mahuhusay na dayuhang manunulat, sa tula ni Leonard Cohen tungkol sa spiritual journey. Naging myembro ng PAKSA (Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan) si Tsong Mulong noong 1971. Bago ang unang anibersaryo ng pagpataw ng martial law, itinatag ang GAT noong unang Sabado ng August, 1973. Itinaguyod din ni Tsong Mulong ang layunin ng organisasyon na makatulong sa pagpapaunlad ng wikang pambansa, mapagkaisa ang manunulat sa Pilipino at makalikha ng panitikang magsisilbi sa kapakanang pambansa. Ayon pa kay Mana Bibeth, âramdam ko noon, hindi sila nagtuturo sa isaât-isang maging makata. Dala na nila ang landi ng kanilang poesiya. Kung baga mga like minds sila na nagsama at nagtipon, para tumawa, tumula at tumoma.â Naging Makata ng Taon sa Talaang Ginto noong 1975 at dalawang beses nagwagi sa tula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Pangahas sa gamit ng wika, imahen, progresibo at makabayan sa diwa at gawa. Ang pagkawatak ng GAT ay palatandaan ng pagsasanga sa hinuhubog na tradisyon ng mga manunulat sa Pilipino: 1) ang pagtaguyod sa panitikang magsisilbi sa kapakanang pambansa. At, 2) ang pagsabwat sa panitikan ng mga tiwali at mapang-api. Hindi kumunsunti sa pagbenta ng prinsipyo ng itinuring nilang lider si Tsong Mulong. Kumbaga, sa lagim ng karimlan, nanatiling nasa tono ang kanta niya ng kalayaan.
Sila ang kriminal,/ sila ang kriminal at di kailanman/ ang libong katawan na kanilang pinupugto./Sa bukanliwayway, ang kongklusyon ng mga mambabasa sa imprentang nahayag ay mga kumpirmasyon at kontradiksyon ng persepsyon. Kinasangkapan ang mga pandama, malay at isip ng bilasang makata. Abilidad ang mga bolpen, papel, kompyuter sa paglako ng katha. Ang talinghaga ng mga tula ni Tsong Mulong ay hindi tugma sa mga librong higit pa ang alingasaw sa malansang akda.