Bawal gumaling sa PW2
âKanan, kaliwa, diretso. Sa second floor. Taâs tanong ka duân kung saan!â Bigay-direksyon ng gwardya. Sumulong sâyang bitbit ang ilang gamit. A⦠sagap ang haluhalong amoy-gamot-pasyente-gasa-fluids-disinfectant-laboratoryo. Sumasagi sa isip ang unang naging trabaho: I. W. (Institution Worker); tagadala ng pasyente sa kung anomang departamento, tagakuha ng lab result, ng linen, gamot, supplies, ng oxygen tank at iba pang tangke, tagalinis ng ward sa isang pampublikong ospital. Hindi siya nagpunta rito para magtrabaho ulit. Mula sa labas, itong panglunsod na opsital ay tipikal na pahabang bilding. Apat na palapag. Kumbinasyong puti at flesh ang kulay. Pero lamáng ang huli. Salaming-tagos sa tingin ang pintuan at ilang metrong dingding ang main entrance. May kintab ang isang talampakang sukat ng porselanang tiles na dikitdikit sa sahig ng bulwagan. Pero magaspang at vinyl na ang sa mga koridor at sunod na mga palapag. Nanlalansi ng aliwalas sa kulimlim na pakiramdam. Lampas sa parking space na pagitan sa bandang timog, ang compound ng pribadong ospital. Mga limang patong nitong panglunsod ang tayog. Abuhin ang lamáng na kulay ng prefab slabs ng mga hanay na itinirik. Sa pagitan ay mga salaming-di tagos sa tingin ang dingding. Manakanakang nansisilaw ang bawat palapag. Isa sa tatlong bilding nito ay parang may helipad sa tuktok. Pinasisipat ng marangyang pakiramdam. Pinanliit siyang parang langgam. Hindi man nagtanong, nakita niya agad ang PW2 (Pedia Ward 2). Wala sa mga pangalang nakapaskel sa gilid ng pintuan ang hinahanap. Nang mapansin, may pagtatakang minasdan siya ng tatlong nars na nakatayo sa istasyong nasa bungad. Minumukhaan niyang isaisa ang mga nakahiga. Sa hilera ng walo, napako sa bed 3 ang tingin. Tinuro niya ito sa mga nars bilang abiso. May ivy stand sa tabi ng kama. Nakasabit sa taas ang dextrose. Ang dulo ng tubo nito ay dinikitan ng medical tape para manatili ang turok ng karayom sa ugat ng maga na likod ng palad ni bunso. Sa tabi ay nakaupo ang ikalawang katuwang niya sa buhay. May kintal ng matagal na panahon ang binawi ng halik sa pisngi ng isaât isa, samantalang kagabi lang naman sila hindi nagkitakita. DHF1 ang diagnosis, o dengue virus. Walang pagdurugo ng gilagid, ilong at kung anomang organo, di gaya ng stage 2 at 3. Buti na lamang at hindi nila napabayaan mula nang lagnatin. Bukod sa dextrose therapy, anti-biotic na kontra sa atake ng mikrobyong dahilan ng UTI, CBC tuwing umaga ang gagawin para obserbahan kung babalik sa normal ang bumaba sa 70 na platelets ng dugo. Natawa ang mag-ina nang pansinin niyang mula sa pitong buwan hanggang doseng idad ng mga pasyente, si bunso ang pinakabeybi sa desiotso. Pedia pa raw ang ganung idad sabi sa emergency. Pagkapananghalian, ibinilin sa kanya ni misis ang oras ng pagpainom ng gamot, pagsukat ng ihi, pagpunas ng likod. Saka nagpaalam para kunin sa bahay ang tulog na simpanatag ng pahinga. Humuhupa ang init ng maghapon habang sumasapit ang unang gabi ng rilyebo niya. Orasoras ang monitoring ng mga nars sa vital signs ng mga pasyente. Palibhasa malapribado ang kwarto, P400/kada araw, charity ang professional fee ng mga doktor, may subsidyo ang mga gamot at supply, halatadong lahat ng mga pamilya ng pasyenteng residente ng lunsod ay mga butás ang bulsa. Parang ingay sa isang looban ang boses ng mga bata bago kumagat ang dilim. Ikalawang araw ito ni bunso. Bukod sa 39 na lagnat, halatang hindi kumportable ang anak sa kondukta ng magkakapalagayan nang mga bantay at malayo sa kabinataan niyang mga kapwa pasyente. Sa isang round ng team ng mga nars, nakabungisngisan nila si Bryan, ang pasyente ng bed 2, pati ang ibang bantay. Mabulas kaysa doseng idad ang biro ni Bryan sa apat na nars, na mga asawa niya silang lahat. Karamihan ay professional ang pakikitungo maliban kay Nars Gina na dagdag ang pagmakagiliw at paborito ni Bryan. Matyaga namang sinusuheto ni Nars Gina kapag nag-aalburuto ang pilyong pasyente. Pagaling na ang bungo ni Bryan na nagkadurugdurog sa bundol ng motor. Isang ineng ang bumirit ng kung anuanong kantang hindi tapos. Tagalog, ingles pop. Ang ama ni Richard, ng bed 6, e, humirit ng tonong-bata na puna. âHindi kaya ospital âto. Playground âto e, stage, palengke!â Walang talab kay ineng ang patutsada. Mayamaya pa, nakipaglaro na ng sarisaring larumbata kay ineng si Richard, halos kaidad ni Bryan. Sumisigabo ang boses-paslit. Nilingon ni bunso ang rumilyebong ama. Nangangalumatang tumitig. Sabay ismid ng bahagya. Inangat ng ama ang dalawang kilay. At nagkaintindihan sila sa pakiramdaman na ang ibig sabihin, âe, ganun talaga!â Nalilibang ang batang nasa bed 5. Mga tatlo hanggang apat na taon siya. Pero walang bulalas ng damdamin sa mukha. Sumampa sa kama niya sina Richard at ineng. Nagsilagapakan ang mga palad nilang, âwan-tu-tri, asawa ni Marie. Araw-gabi, walang panti,â ang maaalalang bersyon noong 70s. Bagamat pangalan ng fastfood resto ang mga ipinalit nilang banggit. Ngumiti si batang bed 5. Ganun ang karanasan sa salitan ng sikat at lubog ng araw sa pagkaratay ni bunso at rilyebo ng ama. Pansin ng amang natutunan na ng anak ang ngumiti. Kahit bihira e, senyales âyon ng pag-angkop sa kulturang hinahanapan ng dangal. Ganumpaman, parang dugong sumalin sa binatang pasyente ang palagayang-loob nilang mga lumabag sa tag line na, âbawal magkasakitâ. Lumalaki ang suma ng billing habang kinukunan ng dugo, pinapalitan ang dextrose, sinasaksakan ng paracemtamol at nirarasyunan si bunsong binata. Isang araw, lumabis ang kapilyuhan ni Bryan sa sutil na pakikipag-usap sa lola niyang nagbabantay. Namika ang laro nina Richard at ineng. Madiin ang tonong sinabihan ng ina ni bunso si Bryan na ayusin ang pagkikitungo sa matanda. Sinaway rin ng lola ni Richard ang laro nila ni ineng. Nang hindi pinansin, tsinelas ang pinalagapak sa puwit ni Richard. Parang tuta na umaringkinking si Richard pabalik sa bed 6. Tiklop-tuhod na nahiga at sapusapo ang puwit habang umaapila ng awa na tigilan ang palo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima⦠hataw pa sa binti, sa talampakan. Naghihiyaw ang Richard. Sabay sumbat ng lola na hinayaan niya na lang sana itong natuluyan noong naghihingalo. Umingit-ingit, humikbihikbi ang pasakit ng bata-batuta. âTumigil ka!â Malasakit ng lola. Sumidhi ang ingit. ââSampalin ko âyang mukha mo pag di ka tumigil. Ano? âTusukin ko ng bolpen âyang mata mo, e!â Lumalim ang gabing âyon na parang lumunod kay batang bed 5. Ang lapad at haba ng kama ay aakalaing laot ng dagat na nilulutangan ng himbing na himbing na paslit. Madaling araw na ay nag-iisa siya hanggang pagdating ng ina. Lumipas ang insidenteng âyon na parang stage 3 ng dengue na umatake sa mag-aanak sa bed 3. Na para bang himala na sila ay nakaligtas. Karanasang napagnilayan nila na isaât kalahating dekada na pala nilang naiwasan. Tanda ang halik sa pisngi nila na ang ganung dahas ay bahagi na ng lumipas. Halik na bantas sa palitan ng rilyebo ng mag-asawa. O kahit walang may sakit sa kanila. Sa mga patay na oras, ang mga magulang sa PW2 ay parang magkakaklase sa matematika. Nagkukwentuhan at nagkukwentahan ng mga bill. Mahigit P200,000 ang kina Bryan. Mahigit P100,000 ang kina Richard. Kulangkulang P15,000 ang kina ineng. Kulangkulang P10,000 ang kina bunso. May nagtsikang humahagilap ng pangsulsi sa butás na bulsa kaya umaalis arawaraw bago mananghalian ang Muslim na ina ni batang bed 5. Pinasasalo ng mga kapitkama ang anak habang nag-iisa. Sinlaki ng sa elepante ang mga puso nila. Dahil nakakalibre, âbawal gumaling âyan. Bagong batas daw.â Biro ni Bryan. Naubusan ang parmasya ng gamot na bibilhin ng ina para kay bunso. Tumawid siya sa kabila. Sa pribadong ospital. Nakabili naman. At bago tuluyang lumabas, nagpahinga muna siya sa lobby. Ninamnam ang simoy ng erkon. Pinakinggan ang klasikal na musikang sinasaltik ng mga teklado ng piyanong tinitipa ng piyanista para sa mga may panggastos kahit sa walang lunas na karamdaman. Nauungkat sa alaala ng ina ang magkarelasyong TV host na nagkahawaan ng STD at nagpagamot sa marangal na ospital na ito. Sa dyaryong binabasa ng katabi niya, natambad ang headline: Proposed Salary increase, President gets 100%; Workers P20. Nilingon ang dakong kinasasabitan ng imaheng hawig sa maliit na letrang âtâ. Nangurus para sa unawa ng pangunahing Katuwang nila. Tumayo at sumulong para lakdawan ang kanan, tatahak pakaliwa, saka didiretso.