ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Postscript ni Jessica Soho: Yakap


Ang yakap ay hindi lang pala simpleng pagpapahayag ng pagmamahal. Marami rin itong naidudulot na kabutihan maging sa pagpapabuti ng pakiramdam ng tao. Kaya naman meron na palang nakalaang espesyal na araw para rito, ang National Hugging Day.
 
Sinimulan taong 1986 sa America at ngayo'y ipinagdiriwang na rin sa Canada, England, Australia, Germany at Poland. Hindi pa tayo kasama sa listahan pero gayong nakakapagpabuti pala ng pakiramdam ang pagyakap, puwede itong ipamahagi nang libre.
 
Marami tayong mga kababayang nangangailangan ng damay at malasakit. Sa inyong mga tahanan at opisina, baka may nangangailangan din ng yakap para maibsan ang kaniyang kalungkutan o paghihirap.
 
May nayakap na ba kayo ng inyong pagmamahal?
 


Ang “Postscript” ay binabasa ng anchor na si Jessica Soho sa dulo ng mga “SONA” newscast sa GMA News TV.  — GMA News