ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PostScript ni Jessica Soho: Biktima muli?
Madilim na kabanata ng ating kasaysayan ang panahon ng Martial Law noong rehimeng Marcos. Libu-libong aktibista at kritiko ng diktadurya ang dinakip, itinapon sa piitan o pinahirapan. Ang iba, pinapatay pa.
Pero pinagdurusahan na naman daw ngayon ng mga nagpakilalang biktima at kanilang mga kaanak ang umano'y masalimuot na proseso sa pagkuha ng danyos mula sa gobyerno. May edad na ang marami sa mga aplikante. Sari-saring sakit na ang kanilang iniinda. Mahirap na rin para sa kanila na magpabalik-balik sa mga tanggapan ng Human Rights Victims Claims Board o HRVCB. Mahahaba po ang mga pila. At dahil mahigit tatlong dekada na ang nagdaan mula nang magwakas ang batas militar, hindi birong alalahanin nila ang mga detalye ng kanilang masakit na karanasan. Hindi rin lahat, may hawak pang mga dokumento na magsisilbing ebidensya ng kanilang sinapit.
Ayon sa HRVCB, may kailangang sundan na proseso upang tiyakin na ang mababahagian ng danyos ay mga karapat-dapat lamang na makatanggap. Sa nalalabing pitong linggo bago mag-deadline, aasa po kami na gagawin ng gobyerno ang lahat upang mapadali, mapaaga at mapabilis ang pagpo-proseso. Panawagan nga ng ibang claimants, minsan na sila naging biktima, huwag na sana silang mahirapang muli.
Ang “PostScript” ay binabasa ng anchor na si Jessica Soho sa dulo ng mga “SONA” newscast sa GMA News TV.
Ang “PostScript” ay binabasa ng anchor na si Jessica Soho sa dulo ng mga “SONA” newscast sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular