ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PostScript ni Jessica Soho: Sa Kabila ng Peligro
Sa ating bansa, malayang nakapapasok sa eskuwelahan ang sinumang nais matuto. Walumpu't anim na porsiyento nga po ng mga Pilipino, marunong magbasa, magsulat at magkuwenta ng numero.
Pero ang batang Pakistani na si Malala Yousafzai, binaril sa ulo matapos niyang ihayag ang kanyang pagtutol sa patakaran ng Taliban na pagbawalan ang mga batang babae na mag-aral.
Sa kabila ng kanyang sinapit, hindi hinayaan ni Malala na mangibabaw ang takot. Dumagundong ang maliit niyang tinig sa buong mundo. At ngayon nga po, kinilala siya bilang pinakabatang winner ng Nobel Peace Prize.
Ang pagbibigay-pugay kay Malala, naghahatid rin ng magandang pagkakataon para mag-isip at tanungin ang ating mga sarili — ano bang mga bagay ang handa nating ipaglaban sa mundo? Gagawin ba natin ito kahit maharap tayo sa matinding peligro?
Ang “PostScript” ay binabasa ng anchor na si Jessica Soho sa dulo ng mga “SONA” newscast sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular