ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
KOMENTARYO: Ano ba ang dapat basahin ng kabataan?
By FERDINAND PISIGAN JARIN
"Basahin mo kahit pambalot ng tinapa,” ang madalas na payo ng mga matatanda noon.
Ang problema, plastik na ang madalas kong nakikita na pambalot ng tinapa at ang isa pang problema, paano kung di kayo madalas kumain ng tinapa?

Sinasabi lamang nito na basahin mo ang lahat nang mapasadahan ng mata. Tutukan mo agad. Damputin mo agad. Ano pa mang paksa ang sinasabi nyan. Maliit na post man iyan sa FB o Twitter. Diyaryo man o libro. Manipis man o makapal.
Kahit pa ‘yong mga nasa t-shirt gaya ng “Ang mani ni Ma’am ay nakakatalino; Lahat ng bumibili, mataas ang grado” na nakasulat sa mga t-shirt na ibinebenta ni Eros Atalia o kaya iyong tulad ng regalo sa akin ng anak kong si Kala na “Girls, huwag puro pogi ang hanapin” (harap) “Ang hirap kaya magtago” (likod).
Siguraduhin mo lang na binabasa mo lang saglit ung mga nasa T-Shirt lalo’t suot ito ng may-ari, lalo na iyong mga nakasulat banda sa may malalamang, ahem. Baka masampal ka.
Bakit mo ito gagawin? Simple lang. Kapag nagbabasa ka, tatanda ka. Gugulang ka. Iyong gulang na “matured” di iyong mandaraya sa sugal o laro.
Paano ang pag-gulang dito? Sa mga mababasa mo, sari-sari ang emosyon na makukuha mo. Mula sa tahimik hanggang sa nag-iiskandalo. Kapag ganito, mapapraktis mong magsala ng emosyon. Matututo kang rendahan tuloy ang emosyon. Sabi nga nila, kapag matimpi sa emosyon, mas napipili ang sasabihin, mas lumalalim ang kahulugan ng sinasabi. Nagiging “sensible human being” ka na.
Idagdag pa rito ang maraming-maraming kaalaman na mare-realize mo bukod doon sa ipinapaunawa lang sa iyo ng titser mo sa loob ng klasrum. Magre-recite ka sa klase nang di lang parang parrot na nakabisado ang ni-recite at naghahabol lang ng grades kaya nagre-recite. Naga-analyze ka na ‘tol! Di mo na basta -basta tinatanggap ang mga bagay-bagay na isinusubo sa iyo kasi nagkakaroon ka na ng sariling opinyon.
Tumataas na ang diskurso. Diskurso? Discourse? Di mo alam ‘yon? Saliksikin mo brad. I-Google. Assignment mo iyan para magsimulang magbasa.
Tapos ang kulminasyon ng gulang mo dahil sa pagbabasa, magiging selfless ka na sistah! Medyo mandidiri ka na sa kasi-selfie mo. May pakialam ka na sa iba. Huwaw! Nagkakaroon ka na ng pakiramdam sa yugyog ng lupa. Ng mundo. In short, ng lipunan mo. Ituturo sa iyo ito ng mga

manunulat na mababasa mo.
Itinuro sa akin ito nina Rogelio Sicat, Lualhati Bautista, Rene Villanueva, Ricky Lee, Reuel Aguila, Rolando Tolentino, Virgilio Almario, Edgar Reyes, Tony Perez, atbp.
Ngayon, ang dami pang mga mas batang manunulat na magtuturo nito sa iyo. Nandiyan sina Atalia, Delos Reyes, Gracio, Gojo-Cruz, Gappi, Siy, Angeles, Alvarez, Villasis, Abrera, atbp. Isama mo na rin si Jarin. Oo, si Jarin. At oo, plugging na rin talaga ito. Sa mga manunulat na lang ng Kataga lalo sa Kataga 1 Anthology ang daming magtuturo ng ganito sa iyo ‘tol, brad, at sistah.

Maiigi ring samahan mo ng gawain para ganahan ka. Pampaantok kapag nakahiga (ewan ko lang kung makatulog ka lalo’t malupeyt iyong kwento, hehehe).
Biyahe papasok o pauwi sa dyip o bus pampalipas ng trapik (H’wag ka magtaka kung tinitingnan ka ng mga kaharap mo sa dyip na para silang nakakita ng alien) O gaya ng paborito kong gawin, isabay sa pag-ebs (na madalas matagal nang tapos ang mga iri, nakaupo pa rin ako dahil di pa tapos binabasa ko ).
Babasahin mo rin ba iyong mga pampakilig to the bones lang? Iyong mga pumepeg-ebegebeg
-teeny-weeny? Oo naman. Sabi ko nga lahat. As in, all!
Kasi kapag gumulang ka na sa pagbabasa, uulitin ko uli , magsasala ka na. Para ka nang strainer. Kusa namang sasama sa tubig sa kanal ang mga “sabaw" lang na nabasa mo balang-araw. Matitira sa strainer mo ang malinamnam na pagkaing di kailangang kasabawan.

So dapat ka nga bang magbasa kamo? Oo naman. Push mo ‘yan. Sige na’t nagbabasa pa
ako ng Our Daily Bread. Need ko mag-reflect, you know.
Si Ferdinand Pisigan Jarin ay Propesor ng Literatura at Filipino sa Philippine Normal University-
Manila. Tatlong beses na siyang nagawaran ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Siya ang awtor ng “Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang Sanaysay” na nagwagi sa 2014 National Book Awards Best Book of Non Fiction in Filipino Language at Finalist ng UP Madrigal-Gonzales Best First Book Award. Kasalukuyan din siyang Pangulo ng KATAGA, samahan ng mga manunulat at kasapi ng The Writers Bloc.
Tags: akdangpinoy
More Videos
Most Popular