ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ang Buradong 'Tuldok'
By Abet Umil

Mike âNonoyâ Pillora Jr.: â¦itâs sad. That I can say, there was never a relationship in us, between the members. That in fact, in the present, I can also feel that thereâs not even friendship inside the group.Samantala, pagbalik namin sa Manila, iniurong nina Lolita Carbon Jr. at Pendong Aban Jr. ang mga unang sched na âbinigay nila sa amin. Nang matuloy, generic ang mga reaksyon ng dalawa tungkol sa samahan ng grupo. Pero na-corroborate ang mga punto ni Nonoy sa genesis, kasikatan, pagbura, mga reunion ng grupo hanggang 2000. Isa sa mga reunion nilang napanood ko ay noong 1984. Sa Intramuros, amoy marijuana ang paligid. Solb! Ihininto ni Saro ang pagtipa sa intro ng "Balita." Sinagot niya ang kantyaw ng isang manonood. Bumalik sa center stage ang hindi ko na matandaan kung si Pendong o si Nonoy. Biglang sinipa si Saro. Sumugod ang ilang taga-awat. Nagtumbahan ang mga gamit ng sound system. Hindi ito unang pangyayari. At ganun natapos ang tugtugang âyon. Timbits! Kundi man narendahan ang dahas ng emosyon, sa intelektwal na pagtutuwang sa unang album pa lang noong 1978, ganito ang katangiang nabuyo sa kanila,
MPJ: Saro wrote a song called "Sayang Ka." I said, âWow, is Saro trying to tell me this?â Sayang ka pare ko Kung di mo ginagamit ang iyong talino Sayang ka aking kaibigan Kung di mo ginagamit ang iyong isipan Ang pag-aaral ay hindi nga masama Ngunit lahat ng pinag-aralan moây matagal mo nang alam Ang buto ay kailangan diligin lamang Upang maging isang tunay na halaman Pare ko sayang ka Kung ikaây musikerong walang nagawang kanta Sayang ka kung ikaw ay taong walang ginawa Kundi ang gumaya Ang lahat ng bagay ay may kaalaman Sa lahat ng bagay sa kanyang kapaligiran Idilat mo ang iyong mata, ihakbang ang mga paa Hanapin ang landas na patutunguhan Pagkat ang taong mulat ang mata Lahat ng bagay napapansin niya Bawat kilos niya ay may dahilan Bawat hakbang may patutunguhan Kilos na, sayang ka Sayang ka aking kaibigan Kung di mo makita ang gamit ng kalikasan Ang araw at ulan sila ay narito sa iisang dahilan Sayang ka kung wala kang nakita sa ulan Kung di ang basa sa âyong katawan Sayang ka kung wala kang nakita sa araw Kung di ang sunog sa âyong balat
MPJ: So I decided, ok I will write a song to answer this statement of Saro. So I wrote him back, I told him: Ang tuldok ay may salaysay at may kahulugan Na dapat mapansin at maintindihan Kahit sino ka man ay dapat malaman Na dito sa mundo ikaw ay tuldok lang Kahit na ang araw sa kalangitan Sâya at tuldok lamang sa kalawakan Lahat ng bagay ay tuldok ang pinanggalingan At kung masdang mabuti tuldok ang uuwian Tingnan mong mabuti ang âsang katauhan Maraming nag-aaway tuldok lang ang dahilan Sa aking nakita ako ay natawa lang Pagkat ang nangyayari ay malaking kahibangan Kaya wala kang dapat na ipagmayabang Na ikaw ay mautak at maraming alam Dahil kung susuriin at ating iisipin Katulad ng lahat ikaw ay tuldok rin
MPJ: So, Asin came out with a very strong philosophy in general. But, I could say, was built by the individuals inside. Wherein each, asserting his own distinct personality and identity, contributed to the philosophy of what we called the philosophy of Asin. So, I want to make it clear, that itâs the individual philosophy that made this philosophy in general as one.

MPJ: We were playing some kind of contemporary music not only religious music. We used to sing, also songs from contemporary groups like the Lettermen, Bob Dylan, Joan Baez, and Peter Paul and Mary, so this is where it all started. I became a member of Gintong Silahis, which is the cultural group of Samahan ng Demokratikong Kabatan. So, I was sent to Manila to train under Behn Cervantes, who happened to be the director of the group at that time. Nang ipataw ang martial law, naging iligal ang SDK. Napilitang pumunta sa Manila si Nonoy. Nakadweto niya sa folkhouse ang dating kamyembro sa choir. Para may pang-self support habang tinatapos ang high school. Tumagilid ang simula ng folksinging âcareerâ niya nang iwanan siya ng kadweto.Isa sa mga folkhouse na tinutugtugan nila ay sa harap ng University of Sto. Tomas sa España. Baha ang mga nanonood sa kanila, mga taga-Bacolod at Cotabato. At tyempong,
MPJ: One of these guys was Saro who came from South Cotabato but his family is from Iloilo. He knows how to speak Ilonggo, so, you have [a] common language. Then, we became good friendsâ¦Nakilala nina Nonoy at Saro si Lolit sa isa sa mga folkhouse na pinwestuhan nila. Kilalang soloista na si Lolit noong 1976.
MPJ: Saro was already sensing that we need another voice in between. Because, I was brought up as a baritone and Saro was brought up as a tenor. We need something like an alto in between to get the harmony. We were trying some guys and they were not able to pass our standards. And because Lolit and Saro had a relationship then, we started also on trying Lolit. And it seems to jive together. So we decided we will make a group out of thisâ¦three of us. We started with no name. So, now we had to think. Everybody was asking, âWhatâs going to be the name?â Then, I came up with an idea, which I got from an album or a song from another popular singer, Joan Baez, the song was called âSalt of the Earth.â It goes something like, âLetâs drink to the hardworking people / letâs drink to the salt of the earth.âNiyaya ni Nonoy si Pendong na mag-session sa unang album recording at road tour nito. At naging regular na mymebro sa mga sumunod pa. Kumapal ang istorya sa sumunod na mga interbyu namin ni Mon. Mga Pinoy Rock Jocks; si Mr. Tony Ocampo â ang talent scout na nakapanood sa jam ng Salt of the Earth sa Red Cow, isang bar sa kanto ng Taft Avenue at San Andres, noong mga unang buwan ng 1978; Ed Ambulo â road manager; Diokno Pasilan â stage designer; Dindo Pillora â manager; (Sen.) Tito Soto â Vicor executive noon. Ang hindi pa ay si Moking, kabigan na kasama ni Saro noong gabing pinatay siya. At mga kontemporaryong musiko. Ayon sa dating senador, sa mabilisang interbyu sa kanya ni Mon pagkatapos ng "Eat Bulaga," siya ang nagpaikli sa pangalan ng grupo at nagbinyag ng ASIN. Kasama sa mga kwento ni Nonoy ang paglalakbay sa mga bansa sa Southeast Asia papuntang India. Itinuring niya itong isang ispiritwal na paglalakbay. Sinita at nang malaman na kulang ang papeles ay ikinulong siya. Ipinakilala ang sarili bilang musikerong nagsasaliksik ng kaalaman sa pagtugtog ng sitar. Nang mapanood siya ng umaresto na nakatutugtog nga, pinalaya siya. Samantala, may kanta ring Salt of the Earth ang Rolling Stone, ayon sa isang Pinoy Rock Jock. Hindi ko na nakumpirma kung ito rin ang kinanta ni Joan Baez. Pareho o hindi man, noong 2006 pa nahinto ang production ng video documentary na ito. Lusot-sa-bulsa na ang kamay ni Mon bilang prodyuser. Kinumbinsi nina Lolit at Pendong si Nonoy para pasamahin sana sa pinakahuling reunion noong 2000. Dahil determinado siyang tahakin pa ang karugtong ng natagpuang landas galing India, tumanggi siya. Bagamat hindi iniiwasan ang katuparan ng tugtugan kung may balak man sa darating na panahon. Aayaw-ayaw pero gusto? Ang naramdaman ko ay mahal ni Nonoy ang grupo gaya ng mag-aasin sa likha niya galing sa mga elemento ng tubig-dagat, lupa, at araw. Kapag nabuo ay inilalako ang dalisay na mga puting butil para may timpla ang ulam sa hapag. Na ang mga pinagsamahan, musika at kulturang naiambag nila sa identidad ng Pinoy ay kailangang ipagtanggol ng malasakit at malupit na ebalwasyon,
MPJ: Walang friendship. I donât know, we were⦠maybe just business partners, something like this.Karugtong ng pagiging realista, makalipunan at pilosopo, makabuluhan kay Nonoy ang sinimulan na prosesong ispiritwal bago pa, hanggang mabuo, pagbura sa kanya ng manager at mga kamyembro, at mag-reunion ng ilang beses ang ASIN. Sa ikalawang album noong 1979, hindi back-up pero lead vocals na noon pa ang deklarasyon niya sa kantang Baguio:
Akoây nakaupo dito sa tuktok Minamasdang mabuti ang lahat ng sulok Hawak ko sa kamay ang isang bulaklak Magagawa ba ng tao itong aking hawak Ang taglay na kagandahan Bukang bibig na aming minasdan Ng sinumang may kagagawan Akoây taga-subaybay ng Kanyang kakayahan
More Videos
Most Popular