Hinubog ng panahon at karanasan (4)
(Ang Karugtong) Wala akong kabali-balita about the Philippines nang ako'y nasa Russia - unless pumasyal ako sa Philippine Embassy sa Karmanitsky Pereulok, na malapit sa Smolenskiy Metro Station sa Moscow. Doon lang ako makakabasa ng news about the Philippines. Nasa NAIA na ako, natatakot akong lumabas nang ako'y lumampas na sa customs. Tumambay muna ako sa labas ng NAIA hanggang maghatinggabi. Alam kong walang susundo sa akin. Hirap na hirap ako, mukha akong basang sisiw na lumanding sa sariling bansa. Nahihirapan ako mag-Tagalog kasi lahat ng ekspresyon ko ay Porusski. Hanggang masita ako ng airport police, ang sagot ko sa officer, âKasi sir, hindi ko alam kung saan ako uuwi. May mga kapatid ako, ang alam ko ay nasa Taytay, at ang Nanay ko naman ay nasa Antipolo." Tinanong nila ako kung alam ko ang exact address, sabi ko hindi ko alam. Ang alam ko lang ay Capital Garments sa Taytay. Hanggang pinayagan ako ng airport police na matulog sa loob ng airport. Habang ako'y nakapikit sa pagkakahiga ko sa upuan, kahit sumakit ang likod ko, tumutugtog naman ang kantang âThe Actor" ng âMichael Learns to Rock." Napakasalimuot ng araw na ito (January 2, 1993) nasa NAIA ako pero âdi alam kung saan ako uuwi. Hanggang mag-umaga, naninibago pa rin ako, ang balat ko sa palad parang nagkapalan. Imagine galing sa Russia for eight straight years tapos uuwi bigla. Nakakapanibago talaga. Pati ang mga tao, ang tingin ko ay mabababa ang height. At ang buhok ng mga tao, maiitim. Ang sabi ko sa sarili ko, âNasa Pilipinas talaga ako." Nilapitan ko ang tourism in charge sa NAIA at tinulungan naman niya ako. Pinayagan niya akong iwanan ang mga gamit ko sa kanila kasi magbu-bus ako. Sinamahan pa niya ako hanggang sa ibaba ng NAIA. Itinuro nya kung anong bus ang aking sasakyan at saan ako bababa. Meron akong konting pera mga 50 dollars lang iyon, ipinalit ko iyong 20 sa loob ng NAIA. May peso na ako. Bumaba ako sa Robinson's Galleria at laking mangha ko sa pagbabago ng Pilipinas. Kasi nung 1985, wala iyong MegaMall at Robinson's Galleria. Pumupunta ako noon sa Chronicle Building sa Meralco, at iyung kinalalagyan ng Mega Mall ay damuhan pa noon. May tinanungan akong isang lolo, âSaan po ba papuntang Junction?" Ang sagot niya, âSumakay ka sa G Liner at diretso iyun duon." Nakarating ako ng Junction at hinanap ko ang papuntang Capital Garments. Takang-taka ang mga tao sa Junction dahil ako'y kakaiba ang suot. Makapal pa ang sweater, tapos ang shoes ko na galing Russia, very funny 'ika nga. Itinuro naman sa isa sa natanungan ko kung paano pumunta dun sa singer ang tawag sa lugar kung saan ay nanduon ang Capital Garments. Dito kasi nagwo-work yung kapatid ko na si âTagumpay." In short, through the help of our neighbour sa Palagay, sila ang tumulong sa akin para kunin ang mga gamit ko sa NAIA. Maraming salamat sa kanila. Kasi hindi na ko pumasyal sa tirahan ng mga nagwo-work sa Capital matapos kong ma-meet ang kapatid ko na si Tagumpay. Punung puno ng drama ang pagkikita naming magkapatid, nagyakapan pa kami. Maganda na ang buhay ng kapatid kong ito, may bahay na siya. Nang sumunod na araw, it was 2nd of January 1993, saktong-sakto, pumunta kami ng kapatid ko sa Inarawan, Antipolo papuntang Cogeo. Naabutan namin ang Nanay namin na nanananghalian sa isang kubong maliit. Katulong o katiwala ang nanay ko sa kubong iyon. Ang amo niya, ang pangalan ay Ka Mithi, tinulungan naman siya nito nung kasagsagan ng kaso tungkol sa pag-murder sa tatay namin sa Karuhatan. Inaalagaan ni Nanay si Alfie, apo ni Ka Mithi, samantalang ang kapatid kong si Rizalina ay naging katulong naman nila sa Malabon, yun ang banggit nila sa akin. Sa madali't salita, dito muna ako tumigil sa St Anthony, Inarawan. Sa bandang itaas yung kubo nila, katabing katabi ng simbahan at iskwelahan na pag-aari ni Don Antonio. Hindi gaanong maganda ang bungad ko rito sa St Anthony. Kasi unang gabi ko pa lang nang pagtulog ko rito ay may nambato sa bubong ng kubo na dumi ng tao. Kumalabog habang patulog na kami. Bilang tulong, lagi akong nag-iigib ng tubig magmula sa ibaba, paakyat kaya doble ang bigat. Medyo kakahiya kasi âpag umaga na, ako'y napaparinggan ng ilang kapitbahay. Sino daw iyong napakaputing parang bakla na iyon? Ang puti- puti naman kasi ng paa ko at iyong daliri e parang daliri ng babae. Kapag ako'y nabubuska, namumula ako. Kaya tuloy umaalis ako at tuwing iigib ako e iyong gabi na para tulog na ang mga tao. Mayroon ngang sandali na isang beses dumadaan ako sa tindahan malapit dun sa bahay nila Jovan at Alfie, mga alaga sila ng nanay ko, may nagsabi, âAy!! Ang puti puti ng bulaklak!! Parang bakla!" Sabi naman nung isa na waring ama nung bata, kasi mas matanda yung isa, âTange! hindi bakla iyan, tomboy iyan." Syempre minsan nakakaiirita. Isa sa mga pinaka-hindi ko malilimutan na pangyayaring naganap sa buhay ko sa Antipolo ay iyung dumadaan ako pauwi na sa kubo. Galing ako nun sa Cubao, nag-iinuman sa basketbolan yung OGA boys, mga kabarkada sila ng mga kapatid kong babae. Nakakahiya namang basta ko na lang daanan, minsan kasi âpag kinakailangan, laging nasa kubo itong mga OGA boys. Dahil nga sa threat ni Amang, tatay ni Ronnie na sumaksak sa tatay ko, natalo sila sa kaso. Kaya binantaan ang nanay ko na pasasabugan ng granada yung kubo. Kaya itong mga OGA ang parang naging shield, tumatambay sila hanggang madaling araw dun. Kaya bilang paggalang sa mga kabataang ito, ako ay nagpasyang makihalubilo, nakiinom kahit kaunti para naman wala silang masabi. âDi pa gaanong nagtatagal ang pagkakaupo ko ay may nagbasag ng bote dun sa kabilang umpukan sa bandang unahan. Kasi parang dalawang ang umpukan ng nag-iinuman. Pero iisa lang silang grupo, yung OGA. Organisasyon daw ng mga gwapong anak. âDi ko iyon pinansin pero sa pagkakarinig ko, yung nagwawala o nagsisigaw eh si Boyie, na boyfirend ni Jasmin na kapatid naman ni Alfie at Jovan. Parang magkalive-in na yung dalawa. Hindi ko pa gaanong maarok ang tunay na sitwasyon nung panahong iyon. Ayaw pala ni Jasmin na dun nakatira ang mga kapatid ko yung dalawang babae, pati ako dun na rin tumira kaya nahihiya talaga ako. Pero dahil sa wala naman talaga akong kapera pera nang dumating galing Moscow, wala akong choice kundi makatuloy muna sa nanay ko. Mabait naman si Ate Tessie, yung nanay ni Alfie, napansin nya na ako'y walang tulugan, at pinagdugtung dugtong ko lang yung hollow block at nilagyan ko ng carton, tulugan na. Minsan, bumalik si Ate Tessie, may dalang folding bed, sobrang hiya talaga ako. Kasi, bakit nya ko ibinili nun. Sabi ko, di bale babawi na lang ako âpag nagkawork ako. Minsan mga pumasyal yung utol kong XrayTechnician na nagwowork sa hospital sa Manila, si Epong na sumunod sa akin. Sabi nya kaagad sa akin, âhuwag ka dito, pangit dito, umalis ka dito." Ang sagot ko sa kanya, saan naman ako tutuloy? Wala naman akong perang pang-upa, âni pamasahe nga wala ako. Hindi nya naman ako inalok kung pwede muna akong makituloy sa kanya. Wala, âni ha o âni ho wala talagang inalok na tulong itong kapatid ko na napakaganda na ang sitwasyon. Ang hirap talaga nang mga panahong ito. Bakit kamo? Tuwing Sunday, bumibili talaga ako ng Bulletin, nagbabaka-sakaling magkaka-work kahit saan, kahit ano. Naroâng lumapit si Nanay kay Tita Mel, kapatid niya kung pwede raw akong sumunod sa Al Khobar, Saudi Arabia kay Tito Pabling. Wala eh, talagang hindi destiny. Unang- una bago ka maka-Saudi magbabayad ka nang napakalaking halaga, mga 20 thousand pesos. âSaan naman ako kukuha ng halagang iyon sa hirap kong ito?" Galing ako sa Russia, ang pamasahe ko nga Bangkok-Manila sinagot ng dating Ambassador. Paminsan minsan bumabalik itong kapatid kong si Tagumpay at minsan pumasyal kami sa Cabanatuan sa Palagay. Pinasyalan namin ang inang namin. Dinalaw ang sementeryo ng Tatay for the first time since na namatay siya nung April, 1986. Wala man lang tumulong sa akin ni isang tiyuhin. Si Kaka o Sangko o si Dikong na mga kapatid ng tatay ko. Si Kuyang naman, kapatid naming panganay, may kubo silang maliit nang panahon na iyon sa likod ni Inang. Ang ikinabubuhay ng kuya ko ay pagiging litratista, pinadalhan ko nga pala siya ng isang Zenith na camera, galing sa Moscow. Nang minsang pumasyal si Dikong Narsing ko sa Moscow para sa isang conference. Aktibista kasi si Dikong kahit âdi nya alam na papunta akong Russia ay okey lang sa kanya nung malaman niya. Ang pinakatumulong pala sa akin na makapag-test sa bahay nila Ka Sally sa Novaliches. Si Ka Sally, anak ni dating Gen. Sec. Felicisimo, nag-aral din sa Soviet Union si Ka Sally sa Kharkov, Ukraine. Nagtapos ng Pedagog o pagtuturo. In short, dun ko rin na-meet yung mga nakasama ko nung patungong Soviet Union. Mabalik ako sa Palagay, mahirap talaga buhay dun sa bukid. Nagpapastol ng kalabaw, maging boy sa bukid, naglilinis ng palayan, o nagtatanggal ng damo, nag-aalaga ng mga manok at aso. Nagtatanim ng mga gulay at halaman sa sulok. Bumalik kami ni Tagumpay sa Maynila, at sa mga sandaling iyon, naiinggit ako sa kanya. Kasi mukhang masaya na siya, may pamilya, kahit ang trabaho niya ay sa Capital Garments sa Taytay, Rizal kung saan ang boss ng mga personnel ay si Ate Lina, pinsan namin, anak ni Inang Henya at tata Hulyo na nasa Calgary, Alberta, Canada. Lagi niyang binabanggit sa akin, hindi siya nag-abroad. Pero may bahay na siya, kahit na utility lang siya ay nakapagpundar naman daw siya ng bahay at lupa dun sa Home Sweet Home sa Angono, Rizal. May mga kaibigan siya, kabarkada - samantalang ako ni isa wala. (Itutuloy) - GMANews.TV Manolito Sharjah, UAE