Payo sa mga TnT at legal sa Europa
Ako ay isang Pinay na napadpad dito sa Scandinavia. Nakapag-asawa ako ng isang Danish national na nakabangga ko noong na-traffic ako sa isang chat website sa Internet 6 years ago. After a year, nagpunta siya sa Pilipinas para pakasalan ako. After 10 months saka lang ako nakasunod sa kanya sa Denmark. Maganda ang salubong ng Scandinavia-Europ sa akin. May mag-asawang Fil-Dane na tumulong at sumalubong sa akin noong unang dating ko pa lang. May isang grupo pa ng mapagkupkop at palakaibigan na mga Fil-Dane sa Hadsund na sumuporta sa akin sa panahon na nag-aadjust ako sa buhay dito. Sa mga bagong dayuhan, ang bansang kinasadlakan ko ay isang matinding pagsubok dahil kahit bulilit ang puwesto sa pambansang mapa ay napakatindi naman ng mga batas nila sa lahat ng mga mamamayan. At kung dayo ka, mas mahihirapan ka siyempre dahil sa dami ng kailangan mong sundin at pag-aralan. Sa nakaraang tatlong taon, kailangang kong mag-report sa Gobyerno nila para pumirma ng kontrata na susundin ko ang patakaran ng kanilang bansa na maging huwarang mamamayan. Pakiramdam ko minsan kriminal ako kapag binabasahan ng counselor ko ng kontrata sa gobyerno nila, pero kailangan kong pumirma dahil Legal akong naninirahan sa bansa nila. Kaya naman nang mabasa ko ang kwento ng TNT (Tago ng Tago) sa Europe ni Jaycee-Sweden. Naging interesado ako. Sa mga Filipinong TNT na madaming tinutulungang pamilya o kamag-anak sa Pilipinas, hindi na tayo magtataka kung naghihinakit sila sa kapwa Filipino na hindi na nakatulong ay nagpapahuli pa sa kanila. Wala akong lisensya para magpayo ng propesyonal sa mga TNT, pero dahil sa mga naging karanasan ko sa pagtulong ng mga naging kaibigan ko ritong Filipino, kahit paano baka makatulong sa mga ibang kababayan natin kapag nabasa nila ang mga isinulat ko. Unang-una, alalahanin natin na hindi madaling intindihin ang sitwasyon ng mga illegal immigrant/OFW's na (TNT). At minsan âimmoral" na mga gawain pa ang kinasasadlakan dito.. Alam naman ng mga kababayan nating nagtatrabaho at naninirahan dito sa Europa na napakahigpit ng mga batas sa Imigrasyon lalo na sa mga dayuhan sa kanilang bansa. Kung mahuli kang TNT, may parurusahan ng batas yung employer ng mga TNT pati na rin yung mga kumukupkop sa mga TNT. Dapat din nating intindihin ang iba nating kababayan sa Europa. Hindi naman lahat ng Filipino ay madaling magsinungaling, mandaya, mangunsinti at protektahan ang kababayan na gumawa ng masama, illegal at imoral sa kapwa. Yung mga European citizens dito, kung mga pangkaraniwang mandurugas na mamamayan lang din naman (tax cheats) - kukunsintihin din ang mga TNT. Kasi hindi sila magbabayad ng tax sa gobyerno at libreng-libre sila na abusuhin ang mga Pinoy TNT dahil alam din nila na matatakot tayo na pauwiin sa Pilipinas. Ayaw nating mapahiya at ayaw nating mawalan ng pinagkakakitaan siyempre. Minsan maski naman hindi talaga naghihirap sa Pilipinas, ginagawa na lang dahilan ang kahirapan para lang magawa ang sarili nilang kagustuhan at ambisyong pansarili. May mga Pinoy TNT din kasing nababaon sa utang sa kapwa kababayan na wala ng bayaran dahil hindi na makabayad o talagang makunat magbayad. Yung iba naman napaririwara, nakukulong, nadedesperado, nasisira ang ulo at nagpapakamatay na lang dito sa Europa kapag TNT na o kapag nawawalan na ng masasandalan na kaibigan, kamag-anak o employer. At totoong may panahon na dadaanan ka ng pagkainip at depresyon sa buhay sa Europa. Kung magiging miserable lang naman ang kalagayan ng kababayan ko, ano pa ang dahilan at mananatili pa rito kung parang impiyerno din naman ang buhay? Minsan ang kapalaran natin maaaring hindi rito, pwedeng sa ibang bansa, pwedeng sa Pilipinas din mismo. Pero hindi ko kakampihan yung mga ibang kababayan natin na umaastang 'MAKAPILI' sa kapwa Pinoy lalo na kapag TnT. Unawain din natin na ang mga Pinoy dito sa Europa ay kung galing din sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Iba-iba ang kinagisnan, iba't-ibang ugali. Yung iba maski walang pinag-aralan at pinagmodohan, basta nakatuntong na rito akala mo mas VIP kaysa sa mga may karapatan talaga. Kaya kayong mga kababayan ko na nangangarap magtrabaho at mamuhay dito, hindi porke Pinoy i-we-welcome ninyo sa buhay ninyo palagi. Ang pagiging Pinoy mo pagkapanganak hindi natin pwedeng piliin, pero ang mga kaibigan natin pwede nating piliin - maski nasaan man tayo. Kaya maski Pinoy, hindi pwedeng maging magkakaibigan lahat - sa lahat ng pagkakataon lalo na sa bansang dayuhan. Kung sa Pilipinas mismo nagkakagulo, dito rin dala-dala natin ang mga ugaling mapaghati ng samahan. Ganyan talaga ang buhay, kaya kung gusto nating maiayos ang mga kahirapan natin, dapat ilagay din naman natin sa tama ang lahat ng bagay sa buhay natin, di ba? Ang maipapayo ko sa mga kababayan nating nagtatrabaho rito sa Europa, bago mag-expire ang mga visa ninyo ay maghanap na kayo ng panibagong employer (Au-Par) sa ibang bansa sa Europa na miyembro ng Schengen para hindi na kayo mag-TNT pa. Ito ay dahil sa may mga bansa sa Europa na hindi na nagre-renew ang kontrata (Batas ng gobyerno nila) sa dating bansang pinagtatrabahuhan kung ang trabaho ay hindi regulated jobs ng gobyerno nila. Ang pinakamabuting panlaban ng mga Pinoy na nagtatrabaho at gustong manatili ng legal sa Europa ay maging maalam sa mga batas sa immigration and employment. At kung hindi naman desperadong makapag-asawa ng puti ay maghanap ng ibang employer na mag-i-isponsor o kaya ay mag-ipon para makapag-aral sa Technical School or University (libre naman at pwede kang mag-apply ng students' stipend pa) habang nagtatrabaho ng part-time. Kasi kapag nag-asawa ka rin ng puti, magtitiis ka rin kapag nagalit saâyo ang asawa mo at diborsyohin ka. Lalo na kung wala ka pang 3-5-7 taon (iba-iba ang required years depende sa bansa sa Europe). Hala, ipapa-deport ka pa rin sa Pinas, kawawa ka na, nakakahiya pa. Grabe mahirap talaga. Pagod na katawan pati isipan ng mga umaasang manatili ng legal dito sa Europe. Ang amnesty naman ay para sa mga determinadong huwag umuwi ng pangmatagalan sa Pilipinas at depende pa iyon sa gobyernong aaplayan mo rito sa Europa kung karapat-dapat kang bigyan. At kung nandito na kayo sa Europa, dumepende kayo nang husto sa Internet. Kung nandito na kayo sa Europa, ang bawat bansa may kanya-kanyang job websites na authentic at authorized ng estado mismo. Kaya palaging mag-surf, mag-email or kung pwedeng tawagan na diretso sa telepono ang potential employer/sponsor ninyo. Kailangan malakas ang loob, matibay sa mga pagsubok, at huwag mawawalan ng kaugnayan sa mga pinagkakatiwalaan ninyong kaibigan o kamag-anak na malapit sa tinitigilan mong bansa. 'Ika nga: â Knowledge is Power." At kapag nasa bansa ka na moderno, maunlad at edukado, talagang kailangan mo ng lahat ng impormasyon na pakikinabangan mo. Pagsikapan din ninyong pag-aralan ang wika ng bansang tinitigilan ninyo para lumaki ang tsansa ninyong makakuha ng matatag na trabaho. Libre naman ang Language Education kung legal ang visa kaya samantalahin ng husto habang may panahon at may pagkakataon kayo. Magkaroon kayo ng PLAN B AT C. Kung ambisyoso ka, dapat marunong tayong magplano ng epektibo lalo na at nasa dayuhang bansa. Mas madaming plano, mas madaming pagpipilian habang nandirito pa sa Europe. Ngayon kung ang matira na lang sa iyong pagpipilian ay maging TNT o deportation, isipin mo pa rin na ang bawat araw ng buhay mo ay unang araw ng panibagong simula. Gawin mo ang nararapat mong gawin para malampasan ang mga pagsubok na patuloy na dumarating sa buhay mo. Sana ay nakapagbigay katarungan at mabigyang katwiran ang kalagayan ng lahat ng mga kababayan natin dito sa Europa. Anu't- anuman, hangad ko ang inyong tagumpay laban sa kahirapan at kamangmangan. Sa ating bansang Pilipinas, Mabuhay! - GMANews.TV Gina Abonita-Petersen Copenhagen, Denmark Kapusong Pinoy! Baka may maikling kwento ka dâyan, tula, awitin, litrato, at iba pang sariling katha tungkol sa iyong karanasan. Baka gusto mo itong ibahagi sa ating kababayan pamamagitan ng Kwentong Kapuso sa PinoyAbroad ng www.gmanews.tv. Hindi natin alam baka kapulutan pa ito ng aral ng iba nating Kapuso. O kaya ay magsilbi itong inspirasyon sa mga kababayan nating nasa ibang bansa at malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi ba maganda âyon? âYan ang Serbisyong Totoo! Kaya, heto na ang pagkakataon na magkwento ka, magbahagi ng inyong pananaw o magpaabot ng iyong saloobin. Masaya, malungkot, tungkol sa tagumpay o kabiguan o kahit wala lang...makapag-kwento lang at magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Kaya ibalita na sa ating mga kababayan ang Kwentong Kapuso at mag-email sa Pinoyabroad@gmanews.tv. Lagi ring bisitahin ang ating website na www.gmanews.tv para sa mga sariwang balita, impormasyon at iba pa sa loob man o labas ng Pilipinas. Maraming salamat po mga Kapuso!