Masarap pa rin ang buhay Pinoy!
Hello to all OFW. I would like to share my story about my life here in London. Year 2001 nang umalis ako ng Pilipinas papunta ng London, it was an 18 months assignment from my company which is a multi-national engineering consulting firm. Ma-swerte naman ako dahil hindi katulad ng ibang OFW natin - na para makapag-abroad kailangan pang gumastos or magbigay ng pera sa agency - yung sa akin lahat sagot ng kompanya. Unang araw ko sa London ay nabigla ako dahil yung expectation ko sa London which is considered âone of the best city in the world," ay mali. I was expecting something modern just like in the James bond films. Pero ang makikita mo karamihan ay old buildings. At dito mo rin makikita lahat ng uri ng tao, ma-Latino, Asiano o maging Afrikano. Medyo na-culture shock ako at umabot ng 2-3 month bago ako nakapag-adjust. Naalala ko noong nag-aaral ako ng elementarya palagi akong pinagsasabihan ng father ko kung bakit mababa ang grade ko sa English at that time. I donât care kasi ang akala ko hindi ko naman magagamit yan. At sa atin kasi âpag nag-English ka tatawan or mayabang ang dating mo. Pero ngayon, it is very important. Dapat ito rin ang bigyan ng importansya ng government natin. By the way, âyong natutunan nating English sa school ay American English, iba ito sa British English. Katulad na lang ng elevator, dito âlift" ang tawag nâyan at yong French fries ang tawag dito ay âchips" at maraming pang iba. Pagkatapos ng 18 months assignment ko, kinausap ko âyong boss ko kung pwede matransfer ako permanently dito sa London office namin. Luckily it was granted kaya nakuha ko ang wife ko para makasama ko. After 5 years my wife and I was granted British citizenship and we got the dual nationality. During those years hindi ganung kadali ang manirahan sa London. May time na gusto ko nang umuwi dahil sa pressure sa trabaho, discrimination as a second class citizen at home-sickness. Pero hindi lang yun, minsan magagalit pa yong family mo dahil kulang daw yung pinapadala ko. At kung hindi mo pinagbigyan ikaw ang masama. Pero ang lahat ng iyon, sa awa ng Diyos ay nairaos din. Ang buhay ko rito sa London masasabi kong successful naman. Nakatulong ako sa mga kapatid ko, nakapagpatayo ng bahay at nakapag-tour na ng Europe. Mga ilang taon na lang uuwi rin kami ng Pilipinas at maninirahan na d'yan. Masarap pa rin ang buhay Pinoy. Maraming salamat po at mabuhay sa mga Kapusong OFW.- GMANews.TV Regards, John L. Mga Kapusong Pinoy! Nagpapasalamat po kami sa patuloy ninyong pagtangkilik sa ating Pinoy Abroad section ng GMANews.TV. Nakakataba ng puso ang inyong pagtitiwala na ibahagi ang inyong saloobin sa ating Kwentong Kapuso na tunay naman nagbibigay ng inspirasyon at kinapupulutan ng impormasyon ng ating mga kababayan. Kaya muli po, iniimbitihan namin kayo na patuloy na magpadala ng inyong maikling kwento, tula, awitin, litrato, at iba pang sariling katha tungkol sa iyong karanasan. Hindi natin alam baka kapulutan pa ito ng aral ng iba nating Kapuso na nasa ibang bansa o nagbabalak pa lang makipagsapalaran sa labas ng Pilipinas. Maaaring ang inyong ibabahagi ay magsilbing inspirasyon sa mga kababayan natin nalulungkot at nangungulila sa kanilang mahal sa buhay. Ito ang pagkakataon na makapagkwento ka, magbahagi ng inyong pananaw o magpaabot ng iyong saloobin. Masaya, malungkot, tungkol sa tagumpay o kabiguan o kahit wala lang...makapag-kwento lang at magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Kaya ibalita na sa ating mga kababayan ang Kwentong Kapuso at mag-email sa Pinoyabroad@gmanews.tv. Lagi ring bisitahin ang ating website na www.gmanews.tv para sa mga sariwang balita, impormasyon at iba pa sa loob man o labas ng Pilipinas. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala mga Kapuso!