Isang Taon na Lang
Ika-eight of the month ngayon. Ito ang petsa nang una naming itapak ang aming mga paa sa mga buhangin ng kaharian ng Saudi Arabia. Sampu lahat kaming baguhang naglakas-loob na sumubok sa hamon ng paghiwalay sa mga pamilya sa Pilipinas upang humanap ng âika ngaây maayos-ayos na trabaho at maganda-gandang sweldo. Sakripisyo, lakas ng loob at panalangin ang tanging mga baon namin upang makayanan ang hirap at pangungulila ng pagkawalay sa pamilya. Bagamaât iba-iba ang naging trabaho namin â may buyer, kitchen helper, room-boy, technician at clerk â labing-walong buwan o isaât-kalahating taon ang paunang kontrata naming lahat. Isang napakalamig na madaling araw nang February 8, 2008 kami dumating. Sa bilis ng araw, hindi na namin namalayan na naka-kalahating taon na kami rito. At isang taon na lang ang bubunuin namin. Dahil iba-iba ang trabaho, hiwa-hiwalay ang naging kampo namin. Isa ang naiwan sa Camp-3; napunta ang dalawa sa Camp-7; dalawa rin sa Camp-4; tatlo kami sa Camp-2; isa sa Camp-6 at ang isa ipinadala sa Yanbu, isang bayan din sa Saudi. Hindi kami madalas magkita-kita. Una, dahil halos araw-araw kaming pumapasok sa trabaho at walang oras magkatagpuan. Pangalawa, kung may kaunting oras man, hindi ganoon kadali ang means of transportation pagpunta at pabalik sa tinitirahan namin. Pero sinisigurado namin na kahit isang beses sa isang buwan ay magkaroon man lang oras upang magkwentuhan. Kalimitan itinataon namin âyon sa araw ng pagpapadala sa Pilipinas ng pinaghirapan namin sa loob ng isang buwan. Sabi nga nila, dumadaan lang sa kamay namin ang pera at lumilipad na agad. Ok lang naman yon, âyon naman talaga ang ipinunta namin dito. Ikinasasaya na lang namin ang sama-samang pagkain pagkatapos magpadala. Minsan naman kapag may oras, sa isang kampo mismo kami nagkikita-kita. Doon nagkakaroon ng happy-happy. Dahil bawal ang alak, nakukuntento na lang kami sa pagkain ng bukari o kabsa na inilalatag namin sa sahig at panonood ng DVD. Syempre, piktyuran para may maiwan namang alaala na minsan isang gabi nagkasama-sama kami at nagkasiyahan. Minsan lang naman kasi talaga. Oo nga pala, hindi pwedeng mawala ang kumustahan at kwentuhan. Hindi man sila mahilig o iniiwasan siguro nilang mag-kwento ng mga nakakalungkot, lumalabas at mararamdaman pa rin nangungulila sila sa mga mahal nila sa âPinas. Kwentuhan na sana sabay-sabay uli kaming sampu sa pag-uwi; mga plano na sana magkita-kita pa kami sa âPinas; at ang âdi pa desididong plano kung babalik pa ba kami o hindi pagkatapos ng unang kontrata. Kagaya ko rin, ilang ulit din ang pagbisita sa kanila ng tinatawag na homesick na akala koây mararamdaman lamang sa mga unang araw o linggo ng pagdating. Kaya kapag nagkikita-kita kami, sinusulit ko ang bawat oras na magkakasama kamiât kumpleto. Laugh trip at food trip to the maximum level ang powers. Laughing out loud talaga. Batid ko kasi na pagbalik sa kampo na inuuwian ko, balik na rin ako sa normal na takbo ng araw-araw kong pamumuhay na kampo-office office-kampo. Konting tiis na lang. Kaya ko âto. Kaya namin âto. Isang taon na lang naman. Glenn P. Mercado Mga Kapusong Pinoy! Nagpapasalamat po kami sa patuloy ninyong pagtangkilik sa ating Pinoy Abroad section ng GMANews.TV. Nakakataba ng puso ang inyong pagtitiwala na ibahagi ang inyong saloobin sa ating Kwentong Kapuso na tunay naman nagbibigay ng inspirasyon at kinapupulutan ng impormasyon ng ating mga kababayan. Kaya muli po, iniimbitihan namin kayo na patuloy na magpadala ng inyong maikling kwento, tula, awitin, litrato, at iba pang sariling katha tungkol sa iyong karanasan. Hindi natin alam baka kapulutan pa ito ng aral ng iba nating Kapuso na nasa ibang bansa o nagbabalak pa lang makipagsapalaran sa labas ng Pilipinas. Maaaring ang inyong ibabahagi ay magsilbing inspirasyon sa mga kababayan natin nalulungkot at nangungulila sa kanilang mahal sa buhay. Ito ang pagkakataon na makapagkwento ka, magbahagi ng inyong pananaw o magpaabot ng iyong saloobin. Masaya, malungkot, tungkol sa tagumpay o kabiguan o kahit wala lang...makapag-kwento lang at magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Kaya ibalita na sa ating mga kababayan ang Kwentong Kapuso at mag-email sa Pinoyabroad@gmanews.tv. Lagi ring bisitahin ang ating website na www.gmanews.tv para sa mga sariwang balita, impormasyon at iba pa sa loob man o labas ng Pilipinas. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala mga Kapuso!