Happy birthday mahal kong anak
Taong 2003 nang magpasya akong magtrabaho sa ibang bansa. âNi sa hinagap âdi ko pinangarap na magtrabaho sa abroad lalo na sa bansang Saudi Arabia. Yun nga lang dahil na rin sa kakapusan ng pananalapi ay napilitan na rin akong mag-abroad dahil na rin sa mga anak at asawa ko. Four years old ang bunso kong anak na lalaki at 6 years old naman ang panganay kong babae ng akoây umalis. Hanggang ngayon nakarehistro pa rin sa isipan ko nang araw na akoây umalis - habang tinitingnan nila ako sa airport at silaây pinapaalis ng guwardia. Sa una, talaga namang mahirap umalis at iwan ang mag-anak ko. âSan damukal na luha rin ang naubos ko. Pero sabi na rin ng mga datihan na sa abroad, mawawala rin ang lungkot basta isipin na para sa pamilya kaya ako nandito sa ibang bansa. Talaga naman, dahil âdi naman ako aalis sa Pinas kung âdi dahil sa pamilya ko. Gusto ko lagi silang maayos at makapagtapos ng pag-aaral. Natatandaan ko pa noong ipinanganak ni misis ang panganay naming babae. Walang pagsidlan ang tuwa ko kahit na nga sa iba gusto nila lalaki ang unang anak, ako hindi. Sa unang pagkakataon na mahawakan ko siya, ipinangako ko na hinding-hindi ko siya pababayaan. Ni sa lamok nga ayaw ko siyang padapuan. Tuwing maysakit siya o kaya ay umiiyak âdi ako mapakali. Kahit na sinasabi ni misis na pabuti na (ang kalagayan nya). Nasanay ako na magtimpla ng gatas niya, maglaba ng damit niya at ipasyal siya sa mga malls. Nang nag-aaral na siya andun kami ni misis para suportahan siya, pinaliliguan ko siya, nililinisan sa gabi hinahatid sa school. Present kami lagi sa mga activity niya sa school, sa mga recognition na natanggap niya, saka sa graduation niya. Yun e nang bago ako mag-abroad. Marami akong na-miss nang akoây umalis. Sabihin na natin na kalahati ng buhay ko sa pagiging tatay e nawala. Ang ibig ko bang sabihin e yung pagiging present ko as father. Na-miss ko yung bonding namin, yung mga tawa niya, yung mga lambing niya, yung mga pag-aalaga ko sa kanya, pag-aalaga niya sa akin, pati nga iyak niya miss ko rin. Na-miss ko lahat ng selebrasyon, like birthday nila, Pasko at Bagong Taon. Five years na rin ako sa abroad at malaki na rin ang pagbabago ng anak kong babae. Sa pamamagitan ng chatting nakikita ko ang kanyang paglaki. Mas matured na ang usapan namin, mas may sense na ika nga. Although nandun pa rin yung paminsan-minsan paglalambing niya. Noong bago ako rito sa abroad concern ako sa kalagayan nila sa Pinas. Pero ngayon kapag kausap ko siya, mas concern siya sa kalagayan ko rito. Nakikitaan ko na rin siya ng pagbabago bilang babae - sa pananamit, sa pananalita, at pagkilos. Ngunit napakabuti ng Panginoon, dahil lumaki siya na mabait masunurin, matalino at higit sa lahat ay may takot sa Diyos. Proud ako sa mga achievement niya sa school at sa paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pag-awit. Dalagita na kung dalagita ang anak ko, pero para sa akin siya ang baby ko. Sana pag-uwi ko makarga ko pa rin siya at mahagkan. Ngayon na 11 years old na siya sa September 22, hangad ko na maging masaya siya sa kaarawan niya. Na kahit wala ako sa tabi niya, alam nya natutuwa ako at masaya rin para sa kanya. Hangad ko na maging masaya siya at maging malusog sa mga darating pang birthdays nya. Nandito lang ako para sa kanya, handang sumuporta. Happy Birthday ANAK! Mahal na mahal ka ni Papa, Happy Birthday MIKEE! Papa Ricky Mga Kapusong Pinoy! Marami kaming natatanggap na papuri at pasasalamat mula sa ating mga kababayan sa abroad dahil sa ating Kwentong Kapuso. Nagpapasalamat sila dahil nabigyan sila ng puwang sa Pinoy Abroad section ng GMANews.TV na marinig ang kanilang saloobin. Ang iba naman na hindi nagbabahagi ng kanilang kwento ay ipinapahatid ang kanilang pasasalamat dahil nakakapulot sila ng aral at kaalaman sa mga Kapuso natin na nagpadala ng kanilang kwento. Mas marami ang nagsasabi na ang kwento ng iba ay kwento rin nila. Dito ay nalalaman nila na hindi lang sila ang dumadaan sa ganoong mga sitwasyon. Mga kwentong humaplos sa kanilang puso at nagpapatatag sa kanilang kalooban. Nais po naming ipaalam sa inyo mga Kapuso sa abroad na kami ang dapat magpasalamat sa inyong pagtitiwala na ibahagi ang inyong kwento. Ang bawat pagbubukas nyo ng inyong puso - malungkot man o masaya - ay nagbibigay sa amin ng kaalaman kung papaano ang buhay ng malayo sa bansa, lalo na sa mga mahal sa buhay. Hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man ito o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kaya naman wala lang, dahil walang magawa. Ang effort nyo na magbukas ng computer o laptop, at bisitahin ang ating GMANews.TV ay malaking pasasalamat na - papaano pa kaya ang maglaan kayo ng panahon na magtipa ng inyong kwento at ipadala sa amin - ay talagang nagpapataba ng aming puso. Kaya hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo po kami sa inyong pagsasakripisyo mga Kapuso. At maraming salamat sa inyong walang tigil na pagtitiwala.