Ano ang silbi ng pag-abroad
Sa mga staff ng GMAâs Kwentong Kapuso, maligayang pagbati sa inyong lahat. Nais ko lamang po mag-share ng aking opinyon base sa naoobserbahan at nararanasan ko rito sa abroad bilang OFW. Sana ay mabigyan nyo po nang pagkakataon na mailathala sa Kwentong Kapuso. Salamat po. * * * Ano pa ang saysay nang pinaghirapan mo sa abroad kung ganito rin lang ang gagawin mo? We all know that working here in the Middle East or in any other place here in the world is not so easy. Nandyan na marami tayong isinasakripisyo para lang makapagwork abroad. Nandyan na mangutang ng pera, kumuha ng loan sa bangko, ibenta ang lupang sinasaka o ipagbili ang alagang mga hayop para lang may pang-placement fee sa katakot-takot at limpak-limpak na salapi na gagastusin. Iiwan ang pamilya para magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya at makapag-aral sa esklusibong paaralan ang ating mga pamangkin, anak o kapatid. Isinakripisyo natin ang mapawalay sa ating mga mahal sa buhay. Subalit ano pa ang saysay ng ating paghihirap kung ganito ang gawin natin sa abroad? Katwiran ng ilan, homesick ako eh kaya nahumaling ako sa ibang babae o lalaki. Wala akong outlet at ito lamang ang tamang paraan para maibsan ang homesickness ko rito. Katwiran ba yon? Eh alam mo na ngang homesick na lugar na pupuntahan mo dapat inihanda mo na sarili mo para rito. O katwiran mo lang yan bilang defense mechanism mo dahil bisyo mo na talaga âyan. Na hindi ka makalaya sa ganyang lifestyle ng buhay mo. Pasalamat tayo sa Diyos dahil may makabago tayong teknolohiya at isa na rito ang internet or SMS thru CP (cellphone). Ang siste nahuhumaling pa sila sa ka-chat nila o ka-txtmate. Magandang way na sana ito para ma-maintain ang bonding ng ating pamilya kahit malayo sila sa atin. Ang kaso nasisingitan ng mga ganitong klase ng kalokohan kaya may ilan na pamilyado ng tao ang nahuhulog ang loob sa ka-chat nila. Tapos ang chat ay nagkaroon ng intimate relationship at humantong sa for a real relationship. Hindi lang pala humahantong sa pakikipag-chat, âyon pala may namumuo nang mga plano sa isaât- isa - ang magkaroon ng mga nakaw na sandali sa kanilang karelasyon sa internet. Walang masama na makipag-friends tayo here kasi isang way din ito na makipagpalitan tayo ng mga kuro-kuro sa ka-chat natin. But we should know our limitations lalo na sa pamilyadong tao na nagpapagggap na hiwalay sa asawa. Common sense na lang, bakit pa tayo gugugol ng mahabang oras sa ka-chat natin kung hindi naman natin sila lubusang kilala pa - na dapat sa pamilya mo na lang sana natin ilaan. Sana may mapapakinabangan ka pa sa bandang huli na bagamat malayo ka sa family mo nasusubaybayan mo rin ang paglaki ng mga anak mo at nagagabayan din sila partly. Alalahanin natin na hindi sapat ang pera na pinapadala natin sa kanila. Huwag nating masyado iasa sa mga asawang iniwanan sa Pinas ang reponsibilidad ng paggabay sa mga anak natin lalo na ang mapanatili ang wagas at dalisay na pagmamahalan bilang mag asawa. As a couple, you should both to grow up emotionally. Nandyan na pagtulungan nyong mag-asawa kung paano mapalago ang kinikita mong pera rito sa abroad. Hindi âyong kapag nagdedemand ng expenses si misis maaburido ka hanggang aawayin mo na sâya. Pero kung ang mistress ang magdedemand, andyan na agad halos ipangutang pa na akala mo eh napakamaginoo mong kausap. Mas natatakot ka pang mawala ang mistress na ka-chat mo kumpara sa tunay mong pamilya talaga. Ano pa ang saysay ng pag-work sa abroad kung pinagtataksilan natin ang pamilya natin sa Pinas? Dahil hindi nila alam na may kahati pala sila sa atin lalo na sa atensyon na nararapat para sa kanila. Huwag maging bulag-bulagan mga kasama. Let us know our basic duties and responsibilities sa pamilya natin. Hindi âyong kukuha tayo ng parausan dito sa abroad na syang gagamitin natin at pakikisamahan. Habang umaasa naman mga asawa nyo sa Pinas na kayo'y faithful sa kanila. Ang masaklap nga lang, paano kung nagloloko ka rito at nagloloko rin ang asawa mong iniwan sa Pinas? Hindi ba mas masaklap âyon o kaysa napabarkada ang mga anak mo sa maling gawi ng barkada? Wala kang kaalam-alam na napapariwara na pala mga anak mo sa Pinas dahil sa pangloloko na ginagawa mo abroad. At nalaman din ng asawa mo sa Pinas at gumanti rin sya sa mga pinggagawa mo rito. Lagi sana natin isaisip at isagawa na kailangang may magandang kahahantungan ang pagsasakripisyo natin sa abroad. Wala âyan sa kesyo malaki ang sahod mo o hindi. Ikumpara mo na lang doon sa isang karpintero na nagtatrabaho rito na may maraming naipundar sa Pinas at napatapos ang mga anak sa pag aaral. Kaysa sa isang inhinyero na sumasahod nga nang limpak-limpak na salapi subalit marami naman bisyo; babae rito, babae roon; sabong dito, sabong doon; madjong dito, madjong doon; at gastos ng gastos ng pera sa ka-chat nila. Pero sa huli, umuwing luhaan at walang naipundar ni isang kusing. May naipundar nga pero hindi pa rin makahulagpos sa mga pinagkakautangan. Sana naman marunong tayong magpahalaga sa magandang resources na ipinagkaloob ng Diyos. Gamitin natin ng wasto ang magandang biyaya na ipinagkaloob nya sa atin. Pasalamat nga tayo na nasa abroad at may maayos na hanapbuhay kumpara sa ilan na naghihirap sa Pinas. - GMANews.TV Eufrael. Militar ng KSA