Pamilya sa hirap at ginhawa
Hello, I never thought I would be doing this! I lived here in California for so many years and I have learned so much in reading your column. You see I was one of the lucky ones but I have failed to see it until I started reading emails on your website. I just came back from a month vacation in the Philippines and it was a grand vacation. You see I have met someone in our country but I have to leave her there as the situation is complicated. Sheâs poor and living hand to mouth, without my remittance ewan ko na lang kung ano ang mangyari sa kanya doon. But I am straying from what I am about to say, MY HAT IS OFF TO YOU OFW!, you have thought me a lot to not complain too much nowadays. As I read different emails, it all boils down to one thing that we Pinoys could be very proud of, THAT YOU ARE THERE FOR YOUR FAMILIES irregardless of what situation you are in; iisa lang ang dahilan, PARA MAPABUTI ANG BUHAY. One thing that I could be proud now is the realization na meron pa ring tayong ipagmamalaki na wala sa ibang bansa, NA TAYO AY NABUBUHAY PARA SA FAMILY. Sa America kanya- kanya ang buhay ng mga tao rito, as they are very proud of their INDIVIDUALISM, while we strive to be a GROUP. I have been away so much and I failed each time to realize na kahit CORRUPT ang bansa natin, that we lack a lot of DISCIPLINE and I have thought na wala tayong maipagmamalaki bilang Pinoy, eh it was STARING AT ME IN THE FACE â na ang pagmamahal sa pamilya ng isang Pinoy eh hindi matatawaran. My kids are all Americanized but they are so different in so many ways, not that they are not loving but iba ang Pinoy na lumaki sa atin. One thing that I do now before I go to bed each night and each Sunday is to say a little prayer for each of you there who are making sacrifices abroad. You are a different kind of heroes in my book. SALUDO PO AKO SA INYO! Proud to sign as, JUAN DELA CRUZ PS : Please lng po HUWAG PO tayong aasa sa gobyerno kahit ano ang pangako nila eh we made decision to go abroad and whatever happens; Its our responsibility! We are resilient bunch and sa mga napauwi; napakaswerte pa rin nila dahil sa hirap at ginhawa kasama pa rin ang pamilya! Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon mga Kapusong Pinoy sa abroad! Marami kaming natatanggap na papuri at pasasalamat mula sa ating mga kababayan sa abroad dahil sa ating Kwentong Kapuso. Nagpapasalamat sila dahil nabigyan sila ng puwang sa Pinoy Abroad section ng GMANews.TV na marinig ang kanilang saloobin. Ang iba naman na hindi nagbabahagi ng kanilang kwento ay ipinapahatid ang kanilang pasasalamat dahil nakakapulot sila ng aral at kaalaman sa mga Kapuso natin na nagpadala ng kanilang kwento. Mas marami ang nagsasabi na ang kwento ng iba ay kwento rin nila. Dito ay nalalaman nila na hindi lang sila ang dumadaan sa ganoong mga sitwasyon. Mga kwentong humaplos sa kanilang puso at nagpapatatag sa kanilang kalooban. Nais po naming ipaalam sa inyo mga Kapuso sa abroad na kami ang dapat magpasalamat sa inyong pagtitiwala na ibahagi ang inyong kwento. Ang bawat pagbubukas nyo ng inyong puso - malungkot man o masaya - ay nagbibigay sa amin ng kaalaman kung papaano ang buhay ng malayo sa bansa, lalo na sa mga mahal sa buhay. Hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man ito o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kaya naman wala lang, dahil walang magawa. Ang effort nyo na magbukas ng computer o laptop, at bisitahin ang ating GMANews.TV ay malaking pasasalamat na - papaano pa kaya ang maglaan kayo ng panahon na magtipa ng inyong kwento at ipadala sa amin - ay talagang nagpapataba ng aming puso. Kaya hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo po kami sa inyong pagsasakripisyo mga Kapuso. At maraming salamat sa inyong walang tigil na pagtitiwala.