Gulong ng buhay ng OFW
Magandang araw sa inyong lahat mga Kapuso. Masasabi ko na hindi kumpleto ang araw ko âpag hindi ko nabibisita ang website ninyo. Isa rin akong OFW dito sa Dubai, UAE. Taong 2006 nang magpunta ako rito. Masasabi ko na sa pagpunta ko rito eh isa ako sa mga pinalad sa mga kababayan natin. Halos dalawang linggo pa lang akong dumarating sa Dubai ay nagkaroon ako kaagad ng mga interview dahil na rin siguro sa kagustuhan kong makapagtrabaho agad. Isa akong sales associate sa isang company dito. Makaraan ang ilang buwan sumunod ang asawa ko rito, at kung anong suwerte ko, kabaligtaran naman ang nangyari sa kanya. Mahigit isang taon din siyang nag-e-exit noon âdi pa uso ang multiple entry nun kaya kahit ilang ulit kang lumabas at pumasok dito okey lang. Sa âdi inaasahang pagkakataon nabuntis ako at napauwi ng Pinas dahil mahal manganak ng âCSâ dito. Hindi ako nakaramdam ng saya nang time na umuwi ako. Dahil una, âdi pa kami ready; pangalawa, marami pa kaming utang; pangatlo, visit visa ang asawa ko at ako lang ang inaasahan niya. Akala ko hindi namin kaya dahil sa dami ng problema naming. Sa awa ng Diyos sa tulong ng mga magulang at lakas ng loob ko nalampasan naming lahat yun. Taong 2007 nang bumalik ulit ako sa Dubai sa pamamagitan ng visit visa na binili ulit ng asawa ko. Masakit man sa loob ko ang iwan ang 6 na buwan na anak ko at isang 4 years old, pero wala akong magawa dahil kinailangan. Ipinangako ko sa sarili ko na balang araw at makababawi ako at eto nag-apply ako ulit. Dahil tapos ako ng BS Accountancy, nag-apply ako sa office at pinalad naman ako. Nagsilbing inspirasyon sa akin yung mga taong yumapak sa akin. Masakit pa dun ang pamilya ng asawa ko ang gumawa noon. Akala ng iba âpag nasa ibang bansa sila yun mataas na ang tingin sa sarili nila, hindi nila inisip na balang araw ay mawawala din yun. Ngayon masasabi ko na ako ang mas nagtagumpay. Dahil bukod sa dalawang anak ko, nabayaran na rin naming ang mga utang naming sa Pinas na dahilan ng pag-alis ko bigla . Sana mga kabayan ko magsilbing aral din itong aking mumunting karanasan. At payo ko lang, huwag mawalan ng pag-asa at tiwala sa sarili. Kung nasa ibaba ka ngayon, âdi mo masasabi na baka bukas ikaw na naman ang nasa itaas. Ito ay sa tulong pa rin ni Lord na walang sawang gumagabay sa atin . Mabuhay tayong mga OFW!!! MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR!!! DHENG