Panahon na, alisin na ang ban
Kung ating matatandaan dito mismo sa Pinoy Abroad ay ilang kababayan nating OFWs ang nagbigay ng kani-kanilang mga kuro-kuro, puna o batikos, mga suggestion para sa ating pamahalaan tungkol sa deployment ban. At dahil hamak na OFW lamang sila, nagbingi-bingihan ang ating pamahalaan at hindi binigyan pansin ang tinig ng ating mga manggagawa mula sa ibayong dagat. Kung tutuusin kami ang panguhaning nagpapaunlad sa ating bansa. Katakot-takot ang pakiki-usap na animoây mga batang nagmamakaawa na alisin na ang nasabing ban upang bigyan-daan ang pangangailangan n gating mga kababayan sa trabaho. Sa haba ng panahon sa pakikiusap at paghihintay, umaasang magbabago ang pananaw ng pamahalaan sa usaping ng ban, tila nawalan na kami ng pag-asa. Umaasa na lang sila sa himala mula kay âElsa" sa pelikulang âwalang himala." Pero mukhang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Tila nauntog sa pader ang ating mga government officials at nagkukumahog ngayon na alisin na ng deployment ban. Sa mga naglalabasang mga balita hindi na magkanda-ugaga ang ating pamahalaan sa pakikipag- ugnayan sa mga dayuhang bansa. Humihingi sila ng impormasyon, tulong, upang matulungan ang ating mga kababayan na nawawalan ng trabaho dahil sa epekto ng global crisis. Ang krisis na pangunahing problema ngayon sa buong mundo. Nandyan nagpapadala sila ng mga tauhan upang tingnan at siyasatin ang tunay na kalagayan sa mga bansang tinaguriang âWar Zone." Dati rati ay hindi natitinag ang kanila paninindigan sa usaping ban. Subalit ngayon ay baliktad na ang pangyayari dahil sila na ngayon ay âatapang a-tao, dala a-tabak ni Bonifacio." Handa na nila yatang suungin ang ano mang panganib at nawaây hindi pamumugaran ng daga ang kanilang mga dibdib. Kung sakaling hindi magtagumpay ang kanilang layunin, magbiro ka lang sa lasing huwag lang sa taong bayang gutom, tiyak ikaw âatakbo" na walang patutunguhan at hindi ka lulubayan sa galit ng mamamayan. Ang pagkakamali ng ating gobyerno ay hindi kaagad gumawa ng aksyon. Nagtulog-tulugan sila sa pansitan, na animoây walang pakialam sa buong sambayang nagugutom. Silaây naniwala sa mga sabi-sabi mula sa sugo kuno ng ating pamahalaan at nag-uulat ng kasinungalingan upang magtagumpay ang kanilang sariling pagkakitaan. Tamaan sana kayo ng kidlat! Hindi na kayo nahiya mga makapal ang muks! Pinapakain sa pamilya nyo mula sa pawis ng ibaâ¦karma ang aaabutin nyo! Ito marahil ay napagtanto ng ating pamahalaan kung hindi sila kikilos ngayon ay tiyak magkakaroon ng riot o kaguluhan sa hinaharap. Lalo na ngayon na parami ng parami ang nawawalan ng trabaho. Ayon sa survey ay umaabot na sa 11 milyon ang walang trabaho sa buong kapuluan ng Pilipinas. Hâwag na nating hintayin pang magalit ang buong sambayanang Filipino. Kapag sikmura na ang pinag-uusapan, tiyak magdidileryo ang kanilang mga isipan at hindi malayong mangyayari ito. Habang may pansensya pang nalalabi at may sikmura pang nagtitiis, aksyon agad ang siyang pangunahing solusyon upang maisalba ang sikmurang kalam. Nakalulungkot isipin itong mga pulitikong pulpol natin. Kung alin pa âyong binoto ng taong bayan na akala natin ay makatutulong sa mga mahihirap ay sila pa yung kumokontra para sa kapakanan ng mahihirap. Kontra kayo ng kontra sa pag-lift ng ban, ano ang nangyayari ngayon, lalong lumulubo ang bilang ng mga walang trabaho. May nagawa ba kayong solusyon? Dakdak kayo ng dakdak wala naman kayong ginagawang paraan upang maibsan ang paghihirap ng taongbayan. Sayang lang ang pinapasahod namin sa inyo. Laging ang bukambibig nyo ay puro politika, papogi points sa mamamayan na wala namang kwenta, puro kayabangan lang. âDi baleng maghirap ang taong bayan, hâwag lang maubusan ng yabang ang ating mga pulitiko na ito. At âyan ang ating mga inihalal ng bayan, may malasakit daw sa bayan subalit pera ng bayan nilustay sa walang katuturan. Ang hirap kasi sa ating mga pulitiko, kapag ang taongbayan na ang nasasakal sa kahirapan ay kung sino-sino ang sinisisi at dâyan na magtuturuan. Subalit ang punoât dulo nito ay sila ang may kagagawan. Dapat sa mga pulitikong ito ay itali sa puno ng bayabas ng patiwarik at busalan ng bayabas na punong-puno ng higad. Kaya ang ating panawagan muli sa gobyerno, alisin na po ang ban. Isang malalaking pagkakamali kung hindi ito maisasakatuparan. At sayang na sayang ang 10 milyon jobs para sa ating mga manggagawang Pinoy. Kahit mag-ikot ka pa sa buong mundo, wala na pong mag-o-offer ng 10 milyon jobs except sa Iraq. Lalo na sa panahon ngayon na rumaragasa ang global crisis. No second thoughts recommended, grab the opportunities for the welfare of Filipino workers. Para po sa ating kagalang-galang na pangalawang pangulo Noli De Castro, kami poây taos-pusong sumusuporta sa inyong magandang layunin para sa kapakanan ng mga OFW. Mabuhay po kayo. We salute you! Paki usap lang po hâwag ng patagalin pa ang pag lift ng ban.. Marami pong salamat muli, GMA Kapuso, love namin kayo. Dahil sa inyo naibubulalas namin ang aming saloobin, kayoây tinig ng mga OFW sa buong mundo. Mabuhay po kayo! Ramon Aure Taji, Iraq