'Tatak' na pumigil sa pangarap (2)
(Karugtong) Ngayon ang tanong ko, âbakit âdi pa tanggalin ng gobyerno ang ban sa pagpunta ng Iraq? Sino ba ang nahihirapan? Sino ba ang naapektuhan? Sino ba ang pinaparusahan ng gobyerno?" Sino pa kundi ang mga OFW na nagpipilit pumunta sa bansang ito na wala namang ninais kundi ang maiahon ang pamilya sa hirap! Ang mga taong nais mabigyan ng ginhawa ang kanilang pamilya. Ang mga taong wala namang inaapakan bagkus ay nagsisikap, tinitiis malayo sa pamilya, magtrabaho at sabihin nga ay magpaalipin sa ibang lahi para lang kumita ng pera. Magulo nga ba sa Iraq? Pero hindi ba mas magulo sa Mindanao, at sa ibang parte ng Pinas? Saan bang lugar ligtas pumunta? Ano ba ang pinagkaiba ng pagpunta sa Iraq, sa pagpunta ng China, sa Korea, sa Kuwait, sa Canada, o kaya sa Dubai at iba pang bansang dinarayo ng mga Pinoy? Sa bawat paglipad ng isang OFW, nakahanda siya sa anumang mangyayari sa bansang kanyang napiling puntahan. Tatag ng loob at pananampalataya sa Diyos, âyan ang sandata namin. Ngayon narito na ako sa Pilipinas, kami ng asawa ko. Nararamdaman ko ang takot. âDi para sa sarili ko kundi para sa mga anak kong umaasa sa aming dalawa. Alam ng lahat kung gaano kahirap ang buhay dito. Ako, sampu ng mga kasamahan at kakilala kong umuwi â at maging ng mga naiwang Pinoy sa Iraq - ay iisa lamang ang dalangin, maayos na trabaho. Kami ay nakikiusap, nagmamakaawa sa gobyerno natin na tanggalin na po ang ban patungong Iraq. Marami na kaming nakausap at inaplayan muli pabalik ng Iraq, ang tanging sagabal ay ang aming pasaporte. Bakit ganun? Nandyan na sa harapan namin ang pagkakataon na makaalis muli ngunit dahil sa ban ay hindi kami makaalis. Sinasabi ng mga employee na hindi maasikaso ang papel naming pabalik doon. At mas mabuti na para sa kanilang kumuha ng ibang lahi dahil wala silang problema sa âtatak" sa pasaporte. Bakit ganun? Biyaya na, nawawala pa. Oo, marahil sasabihin ng iba, marami namang ibang bansang pwedeng mapuntahan; huwag ng magpilit sa Iraq. Pero kasing ganda rin ba ng opportunity sa Iraq ang sa ibang bansa? Mayroon din ba sa ibang bansa ng mga katulad na mga biyaya na nabanggit ko? Maging ang mga naroroon at nagtatrabaho natatakot umuwi dahil baka nga naman âdi na sila makabalik, sayang ang pagkakataon. Tatlo, apat o higit pang taon ng magtitiis na hindi umuwi kahit na may pagkakataon namang umuwi, para lang patuloy na makapagtrabaho... Marami sila, marami kami. Ngayong taon, expired na ang passport naming mag-asawa. May tatak na ang passport na kinuha namin. Parang tatak sa pagkatao namin, tatak na âdi na nagbabawal na bumalik kami sa Iraq â gustuhin man namin, may pagkaktaon man. Tatak sa pasaporte na nagsilbing TULDOK sa patuloy sanang pag-abot naming mag-asawa sa aming pangarap para sa aming pamilya... ang biyaya ng trabaho sa Iraq. Marami pa sana akong sasabihin pero hangang dito na lamang muna. Salamat. Angel ng Iraq 'Tatak' na pumigil sa pangarap (1) Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa nagdaang taon ng ating kwentuhan. Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay para ibahagi sa iba. Ang mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa Kwentong Kapuso ay nagbigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumawi ng kalungkutan sa marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating pambansang website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. At tulad ng nagdaang taon, hinding-hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang, dahil walang magawa. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo kami sa inyo mga mahal naming kababayang Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!