'Mañana' habit
Makapagbigay comment lang po sa sinulat nyo kung bakit madalang ang nagpaparehistrong mga OFW. Hindi naman po ang "mañana" habit ang dahilan kung bakit madalang ang nagpaparehistro (sa Overseas Absentee Voting). Ako po ay nagtatrabaho dito sa Saudi Arabia at gustong-gusto ko pong makaboto sa darating na halalan. Ang problema po lang kasi dito sa embahada at mga konsulado ay itinataon din nila sa oras ng pagpasok ng mga nagtatrabaho dito ang pagpapatala. Samantalang hindi naman pumapayag ang mga employer dito na bigyan ng espesyal na araw para makaliban sa trabaho ang mga Filipinong OFW. Nagsabi na po kami sa kanila na kung pwede ay gawin Huwebes o Biyernes ang araw ng pagpapahehistro dahil iyon lang ang time na libre ang mga workers. O kaya naman ay i-extend ng mga tiga-embahada at konsulado nang hanggang 9pm ng gabi para sa ordinaryong araw dito (Sabado-Miyerkules). Sa ganitong paraan ay marami ang makakapagparehistrong mga kababayan nating OFW. Salamat. Sonny Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at binuksan ninyo ang inyong buhay dito sa Kwentong Kapuso para ibahagi sa iba. Ang mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating pambansang website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. At tulad ng nagdaang taon, hinding-hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang, dahil walang magawa. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo kami sa inyo mga mahal naming kababayang Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!