ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Confession of a gay 'prosti' (1)


Isang maalab na pagbati mula sa bansang Middle East. Just call me Troi, isang gay professional and presently working as executive assistant here in the Middle East. Dahil sa kahirapan at pangarap na makaahon sa buhay, nahikayat akong mangibang bansa kahit na labag sa aking kalooban. Kailangan kong makipagsapalaran at iwanan ang aking mga mahal sa buhay para sa kapakanan ng aking sarili at ng buong pamilya. Hangad ko na matulungan sila lalo na ang aking mga pamangkin na makapag-aral sa kolehiyo. Masasabi kong napakalupit ng tadhana para sa akin. Maganda na ang trabaho ko sa Pinas pero iniwan ko ito at pinili na pumunta rito. Dumating ako rito month of April 2008 at napunta ako sa boss na ubod ng lupit at maitim ang budhi. Hindi nasunod ang aking contract lalo na ang sahod. My compensation here is just almost the same compared to my earnings in Manila. Wala na akong magawa pa kasi nandito na ako. Tinatagan ko na lang ang aking loob at lumaban sa tamang paraan kung kinakailangan. Dahil sa hindi namin pagkakaunawaan ng aking amo, after one month of service, tinanggal nya ako sa trabaho at nailipat naman ako sa ibang department ng company sa tulong ng isang direktor. My agony started after a couple of months working here. How can you budget 1,300AED (Php16,900.00) salary per month? The food here is very expensive and you need to take taxi everyday going to the office. This is a big question that even I cannot answer. My family is depending on me and they are expecting too much from me. I cannot tell them the whole story about what had happened because I know they will worry on me. So, I have decided to keep all of these pains and make myself stronger and firm in decision making. I need to send money regularly so that I can feed my family and buy their daily needs. There were times that my salary is not enough so I have to make credit to Indian store just to survive. Masakit at mahirap ang buhay ng OFW. Sometimes I want to QUIT, but because of my dream and aspiration, I cannot do it. In order to ease the pain the burdens, my colleagues convinced and advised me that I need to unwind and relax once and for all. I went to disco houses and mall happing just to enjoy and forget the bad things happened in my life here. At dito ko nakilala ang mga Pinoy na rumarampa at rumaraket ‘pag gabi. Suma-sideline para lang makapagpadala ng medyo malaki sa pamilya sa Pinas. Sila ang mga nagbibigay aliw sa mga ibang lahing mahilig mag-short time. Halos pare-pareho ang aming mga experiences sa mga malulupit at manlolokong agency sa Pinas. Lingid sa inyong kaalaman, napakaraming Filipino dito ang mga kapit sa patalim kaya’t ‘di maikakaila na mababa ang tingin ng ibang lahi sa ating mga kababayan. Maraming nagkalat na mga pokpok kung saan-saan - mapa-bakla man o tunay na babae. (Itutuloy) - GMANews.TV Troi Confession of a gay 'prosti' (2) Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at binuksan ninyo ang inyong buhay dito sa Kwentong Kapuso para ibahagi sa iba. Ang mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating pambansang website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. At tulad ng nagdaang taon, hinding-hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang, dahil walang magawa. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo kami sa inyo mga mahal naming kababayang Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!