Hirap magtiwala
Marami sila, nagkalat lang sila sa mga daan at kalye. Hindi mo na kailangan hanapin dahil always present kung iyong susumahin. Plastik ang ugali ng ilang nilalang. Mga uri ng tao na akala mo napakabuti ngunit sa kabila nito, siya pala ang anay sa buhay mo. Unti-unti niyang sisirain ang kridibiladad mo. Nagtiwala ka, nagsama kayo ng maganda, ibinigay ang lahat ng makakaya at pang-unawa. Ngunit pagkatapos ng lahat ay sisiraan ka pa. Kaplastikan nga ang taglay niya. Mayroon ding manggagamit at talaga namang napakagaling gumamit. "Friend, pautang ng pera ha. Sabihin mo nga kay ganito na ilibre naman ako ha, pahiram ng kuwan ha." At kung anu-ano pang pambobola ng kanyang makating dila. Mahirap makipagkaibigan at makihalubilo kung puro kaplastikan ang namumutawi sa iyong puso. Lahat, ultimo kamag-anak mo, lalayo sa iyo. Walang magmamalasakit, walang tutulong sa iyo dahil alam na nila kung anong klaseng pasubali ang iyong igaganti, kaplastikan! Bakit nga ba nabigyan ng puwang ang mundo ng plastik na tao? Kahit ilang beses kang magtanong, iisa ang magiging tugon- dahil nga pamilya sila ng âOrocan." Alipin sila ng ugaling ewan. Gaya ng plastik o selopen, mahirap silang matunaw, matagal na nagugunaw at para ba'gang virus na dumadami pa ang bilang. Sa Holy Land, maraming plastik kung akala mo lang. Kababayan, kaibigan, kamag-anak, ka-flat, walang pinipili bastaât magamit ka lang at sa bandang huli, deadma ang kanilang magiging ganti... Plastik! walang kaduda-dudang walastik! Mahirap magbigay ng tiwala at makisama sa kapwa. Kailangan pang subukin ng tadhana kung totoo nga sila at hindi balatkayo ang resulta. Ayoko na ring magtiwala. Siguro, sapat na ang ituring na lang silang kakilala dahil super hirap ang makisama at sayawan ang ibig nila. Nais kong mamuhay ng matiwasay at ituturing kong magandang aral sa aking buhay ang nakaraan. At least, taos sa puso kong makipagkaibigan kahit sinuklihan ka ng kaplastikan, tama. Sanaây mamuhay at makisama ng tama. Iwaglit ang ugaling plastik at huwag ng hihirit dahil ni sa puso moây batid mong plastik ang nakadikit. Kailan ka magbabago? Huwag nang hintayin na ang lahat ng tao sa paligid mo ay lalayo sa iyo. Kawawa ka naman kung mamumuhay kang mag-isa at iiwasan ka na, virus ka nga ba? Hindi, hindi ako nagkakamali. Plastik ka nga kaya baguhin na ang ugali. Huwag ka ng magkunwari bagkus magpakita at magsalita ng mabuti. Sige, plastik na walastik. Yoseff ng Israel Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at binuksan ninyo ang inyong buhay dito sa Kwentong Kapuso para ibahagi sa iba. Ang mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating pambansang website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. At tulad ng nagdaang taon, hinding-hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang, dahil walang magawa. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo kami sa inyo mga mahal naming kababayang Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!