ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Confession of a gay 'prosti' (2)


(Karugtong) In order to ease the pain the burdens, my colleagues convinced and advised me that I need to unwind and relax once and for all. I went to disco houses and mall happing just to enjoy and forget the bad things happened in my life here. At dito ko nakilala ang mga Pinoy na rumarampa at rumaraket ‘pag gabi. Suma-sideline para lang makapagpadala ng medyo malaki sa pamilya sa Pinas. Sila ang mga nagbibigay aliw sa mga ibang lahing mahilig mag-short time. Halos pare-pareho ang aming mga experiences sa mga malulupit at manlolokong agency sa Pinas. Lingid sa inyong kaalaman, napakaraming Filipino dito ang mga kapit sa patalim kaya’t ‘di maikakaila na mababa ang tingin ng ibang lahi sa ating mga kababayan. Maraming nagkalat na mga pokpok kung saan-saan – maging bakla man o tunay na babae. Sa umpisa, takot akong subukan ang pangangalakal na ito, kasi isa ito sa mga ipinagbabawal dito. Nahikayat akong pasukin ito sa tulong nila. Ang ibang lahi ay mahihilig sa mga bakla, at ang maganda pa nito kami ang binibigyan ng pera pagkatapos ang serbisyo. Aaminin ko, nagustuhan ko ang pagrampa sa gabi kasi madali ang pera sa ganitong trabaho. Pero sorry ka if mahuli ka ng police, selda 14 ang aabutin mo. Kaya simpleng ingat lang at diskarte ang kailangan, at dapat gamitin ang utak. Kailangan din laging mayroon dalang condom sa bulsa para proteksyon sa kalusugan. Konting landi lang, closed deal at booking agad kay ‘papa.’ At wala pang 20 minutes, mayroon ka ng pera kapalit ng panandaliang aliw. Madali ang pera, enjoy ka pa! Minsan isang gabi, makaka-tatlong customer ako. Madalian lang ang negotiation, at dahil bawal ang mag-hotel, sa loob ng kotse ang parausan. Masasabi kong ito na siguro ang bansang may pinakamalibog na mga lalaki sa buong mundo. Walang gabi na walang tumatawag sa akin para lang magpa-booking. Pero minsan napapagod din ang aking katawan. Kailangan ko ring magpahinga. Kinakaya ko ang pagod at puyat dahil sa matinding pangangailangan. Sa araw pumapasok ako sa opisina at sa gabi naman nagtatrabaho bilang isang pokpok kasama ang aking mga kaibigan. Apat na oras na tulog sa isang gabi ayos lang para kumita. Anyways, every Thursdays at Fridays, walang pasok sa opisina. Mag-iisang taon na ako rito at nakapagpundar na rin ako ng mga gamit sa bahay na pinakamimithi ng aking mahal na ina. Naibigay ko ang kanilang mga pangangailangan at nakatulong ako sa aking mga pamangkin kahit papano. This coming June, mayroon na naman akong isang pamangkin na papag-aralin sa kolehiyo. Sa mga nakakabasa nitong aking experience, sana huwag nyo naman akong husgahan. Ako’y isang tao na marunong masaktan at marunong magmahal. Dahil sa pagmamahal, gagawin ko ang lahat para sa aking pamilya. Isang malaking pang-unawa ang aking hinihiling sa inyong lahat at hindi suhestiyon o panglalait. Oo, maraming mabubuting paraan para matulungan at matugunan ko ang kanilang pangangailangan. Pero paano at ano? Saan at kailan? Ang mga tanong na ito ay napakahirap sagutin para sa akin. Ang dahil sa baluktot sa sistema ng ating gobyerno, sila ang dapat sisihin kung bakit karamihan sa ating mga kababayan ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa at pinapasok ang mga ganitong gawain; dahil sa kakulangan ng trabaho sa ating sariling bayan. Puro na lang sila pangako pero lahat naman ay napako. Masakit man isipin pero naging manhid at bingi ang ating mga kinauukulan. Huwag na tayong aasa pa sa tulong nila. Sikap, tiyaga, tiwala at pananalig sa sarili ang paraan para sa kaginhawaan. Walang tutulong sa’yo kung hindi ang sarili mo mismo. Ito ay isang paniniwalang napatunayan ko na sa aking sarili. Thank you so much for giving ample time to read this story of mine and hope this would be an eye opener to everybody, that this is the reality which exist in any parts of the world. I am looking forward you can give space in publishing this e-mail in your column so that people will be aware of what is the happening in our surroundings. - GMANews.TV Mabuhay po kayo Kapuso! Trio Confession of a gay 'prosti' (1) Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at binuksan ninyo ang inyong buhay dito sa Kwentong Kapuso para ibahagi sa iba. Ang mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating pambansang website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. At tulad ng nagdaang taon, hinding-hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang, dahil walang magawa. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo kami sa inyo mga mahal naming kababayang Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!